Thursday, September 23, 2010

HOROSCOPE

Aquarius - Maging maingat sa pagbitbit ng fake na Hermes bag. Baka masaksak ng holdaper pag nalaman na fake ang bag at wala ka talagang pera.

Pisces -  Mag-iisip na pumunta kay Dra. Belo. Gagastos nang malaki. Magiging boldstar.

Taurus - Gumamit ng deodorant bago sumakay ng LRT o MRT para di iwasan ng mga tao. Magsipilyo rin para kausapin ng mga kaibigan.

Gemini - Magkakaroon ng secret admirer. Mayaman pero 70 years old na. Magiging masaya sa piling niya pag nakatuluyan.

Cancer -  Yayayain ng mga kaibigan sa Jollibee. Kulang ang pera para sa big Champ value meal. Magsasanla ng relo para lang wag mapahiya sa mga kaibigan.

Leo - Hinay-hinay lang sa pagkain. Baka maimpatso. I-lock ang ref para di makapag-midnight snack.

Libra - Ikakasal na sa susunod na buwan. Magsusuot ng pula sa kasal. Dadanak ang dugo. Manghohostage isang bisita dahil di bagay sa kanya ang pula.

Virgo - Magtatayo ng negosyo. Kukuha ng puwesto sa Divisoria. Magtitinda ng payong. Major major ang kita dahil tag-ulan na.

Scorpio - Magbabawas ng timbang. Pupunta kay Dra. Belo. Magiging host ng Biggest Loser Philippines.

Sagittarius - Masasaktan dahil tatawaging duling ng malapit na kaibigan. Wag magalala. Fake kasal ng kaibigan.

Capricorn - Magpaparetoke sa Japan. Madidiskaril ang operasyon. Mawawala ang boses. Mawawala ang career na naghihingalo.

1 comment: