Tuesday, September 21, 2010

BAKIT MARIEL RODRIGUEZ ?

Nagkamabutihan sina Mariel Rodriguez at Robin Padilla sa palatuntunang Pilipinas Win na Win. Ang buong akala ko ay pampakilig lang sa manunuod ang buong eksena nina Mariel at Robin. Laking gulat ko nang mabalitaan ko na lamang na nagpasiya nang magpakasal si Mariel kay Robin na halos kasing tanda na ng kanyang ama.
Ang kuwento ng pagibig ni Mariel ay magsilbi sanang paalala sa mga kabataan na gamitin ang utak sa pagpili ng makakasama sa buhay. Sa kabila ng tagumpay ni Mariel sa kanyang karera, nanatili pa rin siyang bulag sa pagibig. Pinili pa rin niya ang isang lalaking may asawa at anak na. Dahil sa kanyang desisyon, napilitan pang umalis sa bansa ang isang anak ni Robin upang manirahan na sa piling ng kanyang tunay na ina. Kaya naman, ganun na lamang ang hagulgol ng lolo at lola ni Mariel nang mabalitaang ikinasal na siya kay Robin. Marahil, batid nila na walang patutunguhan ang pagsasama ng dalawa. Di hamak na mas kahanga-hanga ang isang duling kesa isang artistang tulad ni Mariel.

No comments:

Post a Comment