Thursday, January 13, 2011

SI ANNA FELICIANO AT DANCERS NG WILLING WILLIE

Nitong mga nakaraang pagtatanghal ng Willing Willie, kapansin-pansin na wala ang mga magaganda at kwelang dancers ng programa. Sa halip, ang may edad nang si Anna Feliciano ang nag-iisang sumasayaw at gumagawa lahat ng mga gawain ng mga dancers. Dahil na rin sa katandaan, di na kayang humataw ni Anna. Katunayan, may stretcher pang nakahanda sa studio sakaling bumigay ang 62 years old na Anna.
Pero bilib pa rin ako sa tapang at determinasyon ni Anna. Sa kabila ng katandaan, nakukuha pa rin niyang gampanan ang ginagawa ng 26 na dancers ng Willing Willie. At kaya pa niyang mag-mini skirt kahit maituturing na siyang senior citizen.
Ayon sa balita, sinuspindi ni Willie Revillame ang lahat ng mga batang dancers ng programa dahil nagkakainggitan at nagaaway ang mga ito. Kaya, para matigil na ang gulo at away, sinuspindi na lang ni Willie silang lahat.
Ang nangyari sa mga dancers ng Willing Willie, para sa akin, ay tama lang. Sa kabila ng malaking sweldo, nakuha pa ng mga dancers ang mainggit sa isa't-isa. Para sa akin, walang puwang ang inggit sa ano mang organisasyon. Ang suspensiyon ay mabisang paraan para mauntog sa katotohanan ang mga dancers na sa isang iglap ay maaari silang mawalan nang trabaho.
Hangga't hindi natututunan ng mga dancers ng Willing Willie na tanggalin sa katawan ang inggit, magtitiis akong mapanuod si Anna na hingal-kabayo sa pagsasayaw sa programa.

3 comments:

  1. Hahahahahah I can imagine! Talagang hingal kabayo siya nun... pero dapat sweldo ni anna katapat ng 26 dancers o higit pa! hehehehhehehe

    ReplyDelete
  2. Anna Feliciano is not 62 years old. It's only a joke that Willie usually throws on her. :)

    ReplyDelete
  3. Ang corny ng mga banat ni Ana Feliciano! nakakainis

    ReplyDelete