Monday, January 31, 2011

SAAN NA SI JAMES YAP NGAYON ?

Kapansin-pansin na tumamlay ang career ni James Yap matapos siyang layasan ni Kris Aquino. Kung nuon ay lagi siyang laman ng mga pahayagan at programa sa telebisyon, ngayon ay madalang pa sa patak ng ulan sa tag-araw ang mga nagtatampok sa kanya. Maging sa mga commercials, nilalayuan na siya ng mga kumpanya bilang image model at endorser.
Marahil, higit sa pagalis sa poder ni Kris Aquino, ang biglang pagkalaos ni James Yap ay bunga ng pagkakabunyag nang totoo niyang ugali. Sa annulment case nila ni Kris, napatunayan na sakim sa pera at ari-arian si James Yap. Kinamkam niya maging ang mga ari-ariang naipundar ni Kris.
Tila ang mga nagbubulag-bulagan na lamang na fans ng B-Meg ang pumapansin kay James Yap ngayon. May ilan din tulad ng inyong lingkod ang manaka-nakang nagbibigay ng espasyo kay James Yap. Subalit ito ay upang ipaalala lamang na di nagbubunga nang mabuti ang panlilinlang at sobrang pagmamahal sa salapi.

3 comments:

  1. Tinatanong pa b yan eh nasa blog m.yan b ang matamlay n career.bkt binibigyan m ng pansin c james.alangan naman maglalaro sya sa game ng tnt at smb.tanga k tlaga noh.hndi nya n kailangan ng career kasi marami n syang pera.sabi m kinuha nya raw yng pera ng pokpok nyang asawa.pweee.

    ReplyDelete
  2. Nasa taas ng bundok.nakikita nya si efd n tumatae sa talahiban.

    ReplyDelete
  3. tingnan mo yung poll dyan kung sino pinaka popular na player ngayon? hahaha!

    http://www.patriciahizon.com/

    ReplyDelete