Nanalo kagabi ang Ginebra kontra Alaska sa iskor na 91-87. Si JC Intal ang bumuhat sa koponan sa pagtala ng 20 points. Tumulong rin sina Jayjay Helterbrand, Eric Menk at ang import sa pag-iskor. Sa pagkapanalo ng Ginebra, naiwasan nito ang maagang pamamaalam.
The victory of Ginebra showed several important points. Una na dito ang kakayahan ng ibang players na tumulong para manalo. Maganda ang ipinakita nina Intal, Celino Cruz at Mike Cortez nang subukan sila ni Coach Jong. Kaya pala ng Ginebra ang manalo kahit di magaganda ang laro nina Caguioa at Willie Miller. Pangalawa, kaya palang manalo ng Ginebra sa pamamagitan ng tamang kumbinasyon ng players. Minsan, nakakabuti ang di pag-ubra ng mga laro ng mga sikat na players upang mapilitang gumawa ng panibagong kumbinasyon ang coach. Pangatlo, sa kabila nang sunud-sunod na pagkatalo, nananatiling matibay ang pananalig at paniniwala ng mga fans na muling mananalo ang Ginebra. Kahit na mukhang wala nang pag-asang manalo pa ang Ginebra, buo pa rin ang loob ng mga fans na lalaban pa rin at mananalo ang Ginebra.
Bukas, sasabak na naman ang Ginebra sa isa pang pagsubok. Ang panalangin ko lang ay magtulong-tulong ang lahat ng players upang tumabla ang Ginebra sa serye. Isang bagay ang tiyak ko. Ang mga fans ay mananatili sa likod ng Ginebra at patuloy na aasa sa minimithing panalo.
talo yan ginebra
ReplyDeleteasa naman ginebra.. no match sa aces yan.. naka tsamba lang.. tapos na ang game mamaya..wag numasa.. waahaaaha
ReplyDeletemagaling ang ginebra sa do-or-die. go ginebra!
ReplyDeleteGO GINEBRA!!! never say die!!!.......
ReplyDeleteGO GO GO FIGHT FIGHT FIGHT
ReplyDelete