Muli na naman nanalo ang Ginebra laban sa Alaska upang itabla ang serye. Isang winner-take-all ang magaganap sa Linggo sa pagitan ng dalawang koponan.
Muling pinatunayan ng Ginebra na sa kabila nang di magagandang laro ng ilan nitong star players, kaya pa rin nitong manalo.Maaring manalo ang Ginebra sa pamamagitan nang pagtutulungan ng mga players nito. Maraming players ang Ginebra na kayang pumuntos at gumawa ng ikabubuti ng koponan. Saan ka nakakita na ang isang import ay nasusupalpal ng isang gwardiya lang ng kalabang koponan ? Halata ang pagnanais ng bawat manlalaro na umusad talaga sa semis. Kaya naman kitang-kita ang pagsisikap ng bawat manlalaro.
Ang kapansin-pansin lalo na sa bandang huli ng laro ay ang kontribusyon ng mga fans upang maisalba ng Ginebra ang laro. Nang naging dikitan ang laro, umarangkada sa buong Cuneta Astrodome ang hiyawan ng fans ng Ginebra. Kitang-kita ang kaba at panghihina ng loob ng mga taga-Alaska. Katunayan, tinawagan ng travelling si Devance na isang crucial error para sa Alaska. Nataranta ang mga manlalaro ng Alaska sa mga kantyaw ng mga supporters ng Ginebra.
Sa Linggo, sana manuod uli ang mga fans ng Ginebra upang maging kabahagi ng laro. Di maipagkakaila na nabubuhay ang Ginebra dahil sa milyun-milyon nitong fans.Tuloy ang laban ng Ginebra. Tuloy rin ang pagtakbo ng hubad pag natalo ang ating mahal na koponan.
gago!!! feeling nyo ng champion n bgk...hello..quarter finals plng no!! tgnan nlng ntin s sunday...asshole...
ReplyDeleteisang malaking "waley" ang unang nagcomment...!!! bsta aq GINEBRA RULES!!! go gin kings!!! never say die yta team ko.
ReplyDelete