Sunday, July 11, 2010

GINEBRA : ANO BA TALAGA KUYA ?

Natalo na naman ang Ginebra laban sa Alaska. Ito na ang ikalawang pagkatalo ng koponan sa kanyang serye kontra sa Alaska. Kailangan nang manalo ng Ginebra nang tatlong sunod na laro upang makaabante sa semifinals.
Bagamat dalawang puntos lang ang kalamangan ng Alaska, pansin ko na wala sa sarili ang karamihan ng mga manlalaro ng Ginebra. Si Eric Menk, bagamat pumuntos ay maraming turnovers. Si Jayjay Helterbrand naman ay sugod nang sugod kahit madami ang nakabantay. Tuliro naman si Willie Miller. At si Mark Caguioa ay halos walang naiambag para sa koponan. Halos umasa na lamang sa tsamba ang Ginebra upang makatala ng puntos.
Kapansin-pansin na walang manlalaro sa Ginebra ang nakapagbigay buhay sa buong koponan. Sa kabila nang madalas na pagbalasa ni Coach Jong ng kanyang mga manlalaro, walang tamang kumbinasyon na nabuo sa buong laro. Ano ba talaga ang nangyayari mahal kong Ginebra ?

No comments:

Post a Comment