Monday, July 12, 2010

ANG RESPONSIBILIDAD NG GINEBRA SA KANYANG MGA TAGAHANGA

Walang duda na ang Ginebra ang may pinakamaraming fans sa PBA. Maging ang San Miguel at B-Meg ay walang sinabi sa dami ng tagahanga ng Ginebra. Madalas, ang mga tagahanga ang nagsisilbing alas ng mga manlalaro ng Ginebra. Kahit sa gitna ng sunud-sunod na pagkatalo, patuloy na tinatamasa ng mga taga-Ginebra ang paghanga ng milyun-milyong Pilipino.
Subalit, ang ganitong uri ng paghanga ay may kaakibat na resposibilidad. Marahil, nakakalimutan na ng mga players ng Ginebra na utang na loob nila sa mga fans ang walang sawa nitong panunuod at pagsuporta sa kanilang koponan. Marahil, nakakalimutan ng mga players na kailangan nilang ipakita sa mga fans ang kanilang determinasyong manalo. Kapansin-pansin sa huling dalawang laro ng Ginebra, walang kinakitaang buhay sa paglalaro ang karamihan sa mga players nito. Maliban kay Cortez, walang player ang makikitang nagpapakamatay at lumalaban para manalo. Sa kabila ng pagkakaroon ng tatlong MVP sa line-up, walang player ang umako ng responsibilidad na pasiglahin ang laro ng koponan. Wala sa sarili ang mga players at walang magagandang plays na isinigawa sa kabuuan ng laro.
Bukas, nahaharap sa isang do-or-die na laro ang Ginebra. Mahiya naman sana ang buong team sa walang sawang pagsuporta ng mga fans. Suklian naman sana nila ng magandang laro ang pagmamahal ng mga fans para sa koponan.

8 comments:

  1. tama.... ang hirap kaya sa pakiramdam pag natatalo ang ginebra. minsan sobrang effort pa na makauwi ka ng maaga from office pra lang mkwatch ng game. ultimong livestream khit bawal nagagawan ng paraan mawatch lng laro ng ginebra. pero NEVER SAY DIE pa din ako..... manalo, matalo, GINEBRA RULES!!!!!

    ReplyDelete
  2. tama kayo jan.mga fans lng nagpapasigla sa pba at yon ay mga fans ng GINEBRA...pero papano kung ganyan cla maglaro parang walang sigla at kulang sa intensity...pano na lng mga fans na umaasa.sana ay muling marinig ng buong pilipinas ang dagundon ng sigawang...G..I..N..E..B..R..A

    ReplyDelete
  3. ganun talaga sa laro may nananalo, may natatalo. sa tingin ko, hndi dapat sisihin ang team kung natatalo man. in fact, malaki talaga ang line-up ng alaska at mabilis naman ang ginebra. patas lang ang laban. obviously, hndi totoo na walang gana maglaro ang mga players ng ginebra. close fight pa nga yung dalawang laban. kung natatalo man ang ginebra sa ngayon, mas magaling lang talaga ang alaska. at kung alaska naman ang natatalo, mas magaling lng talaga ang ginebra. ganyan talaga sa laro.

    ReplyDelete
  4. saNA MAbasa nila toh.. kung 2 tubid 2 cortez at daniels ang lineup pwede pa siguro manalo.. sila lng ung may buhay mag laro .. sana ausin din ng coaching stuff ang sistema .. sa knla mag sisimula ang lhat sumusunod lng ang mga players.. good luck mamaya sa game .. buti na lng may miami heat ,, hahaha

    ReplyDelete
  5. amen...sana isipin nila ung pakiramdam nating mga fans...baka dun lang magising sila..

    ReplyDelete
  6. Grabe naman...sana naman manalo ginebra mamaya...sobrang nakakahiya pagnatalo sila.npakalakas naman ng line-up ng GINEBRA pero bakit ganon...hindi naman siguro basta na lang malas diba???sana naman ma-appreciate ng team ang mga sacrifice ng bawat fans ng GINEBRA...mahirap umasa sa team na lagi namang talo...sana lang magkaroon ng ball movement.hindi puro bakawan ang nangyayari sa loob. remember na 5 kayo na nasa loob, hindi lang isa ang pwede tumira ng tumira.wag sana magyabangan.un lang.goodluck mamaya.lam kong mananalo tayo GINEBRA!

    ReplyDelete
  7. dear friends,
    salamat sa pagbasa ng aking blog.
    sakaling hindi pa rin makunsyensya ang ginebra sa kanilang di pagpapahalaga sa nararamdaman ng mga fans, iminumungkahi ng inyong likod ang isang protest run. magsagawa tayo ng isang protest run na tulad ng oblation run sa u.p. marahil, sa gitna ng cubao mainam isagawa ang nude protest run. sali na !!!

    ReplyDelete
  8. ok sana sir kaso promdi in the house!!! hehehe...pero sana ang isipin na lng nila ay milyong milyon mga Pilipino ang nagugutom sa tuwing silay natatalo..

    ReplyDelete