Thursday, February 10, 2011

TIGILAN ANG PAGSAMBA SA AZKALS

Matapos manalo laban sa Mongolia, agad-agad na nagtungo ang Azkals sa Malacanang upang makadaupang-palad ang pangulo ng bansa. Habang ang ilang gold medalists at world champions ay di man lang umaabot sa gate ng Malakanyang, heto ang Azkals kasama agad ang pangulo. Buti sana kung nagpakitang-gilas ang Azkals sa laban nito sa Mongolia. Ang kaso, wala akong nakitang galing na ipinamalas ang Azkals sa laro. Sadyang mahina lamang ang Mongolia kung kaya nanaig ang Azkals. Sino mang sanay manuod ng World Cup o Asian Cup ay tiyak na matatawa lang sa ipinakita ng Azkals. Di ito ang tipo ng laro na dapat pang pahalagahan ng pangulo ng bansa.
Sana naman, tigilan na ng mga bayarang media ang abot-langit nitong pagpuri sa Azkals. Turuan sana ng media na kumilatis ang mga Pilipino nang tunay na galing sa paglalaro ng futbol. Tigilan na sana natin ang pagsamba sa mga atletang walang binatbat. Pahalagahan ang tunay na magagaling na atleta !

No comments:

Post a Comment