Monday, October 25, 2010

DI NA BALENG PANGO, WAG LANG MUKHANG PERA

Natatawa lang ako sa mga fans ni James Yap na nanunukso na pango si Mark Caguioa. Naitanong ko tuloy sa sarili kung kasalanan ba na maging pango. Bilang mga Pilipino, natural sa atin ang maging pango. Kaya bakit masyadong inaalintana ng mga James Yap fans ang tangos ng ilong ? Higit sa lahat, kabawasan ba sa pagkatao ni Mark Caguioa na dapa ang kanyang ilong ?
Ang malaking kasalanan para sa akin ay iyung mangamkam ng mga bagay na di iyo. Ang kasalanan ay ang kunin ang mga bagay-bagay na di mo binili o pinagpaguran man lang. Itinuturing kong kawalan ng integridad para sa isang tao ang hingin ang mga ari-arian ng kanyang kapwa na alam niyang di naman kanya.
Kailangan talaga na palaganapin ang tamang asal at pananaw sa ating mga Pilipino. Kailangang matutunan nating tumingin hindi sa panlabas na anyo ng isang tao. Kundi, mas mainam na kilatisin ang ugali at karakter ng ating nakakasalamuha. Malay natin, maganda nga ang panlabas na anyo subalit bulok at puno ng pang-iisa pala ang kalooban ng ating hinahangaan. Matuto sana tayong tumingin sa nilalaman ng puso at di lamang sa tangos ng ilong.

24 comments:

  1. As far as I'm concerned, pinagtatawanan ko lang ang pagka-pango ni Caguioa. I really don't know him as a person, but I woudn't judge his personality or what he can do in the court based on his kapango-an.

    ReplyDelete
  2. Parehas nating hindi kilala yung dalawa personally. I guess kmi na fans ni Yap ay nasasabi yang kapango-an ni Caguioa dahil nabawi lang kami sa mga below the belt na paratang ng BGK fans gaya mo! Sobra ka! Kung makapagsalita ka e kala mo e kilala mo si Yap personally! Mukang pera? Kasalanan ba niya na nakasaad na batas na kelangan hatiin ang properties nila ng 50:50? ha? Sa tingin mo ganon kalakas ang impluwensya niya para basta mangangkam na pera? Sino ba ang kapatid ng Presidente? Isa lamang siyang basketball player na ngkmling pumatol sa TELL ALL na artista. Na hinahangaan mo! Haha! Prehas nilang napagkasunduan na di gumawa ng pre nup agreement! Maalam ka pa? Kung yung 90 million ang pinuputok ng buchi mo! OA mo nmn! Kse kung si Kris nga hindi inuungkat yun,Ikaw pa?
    E sino ka ba? Isang blogger na sumikat dahil sa hater ka ni Yap. Wag kang mgalala dahil hindi ka sikat dahil mraming humahanga sayo! Sikat ka lalo na sa mga fans na galit na galit sa mga pang huhusga mo! I'm sure mas manggagamit ka kay Yap. Look o! Ginagamit mo na nmn siya pra sumikat tong puro kacheapan mong blog!

    Dahil pabor ako ke Yap , I'm sure di mo to iaapprove gaya ng comments ko sa iba mong sinulat. Okay lng ang mahalaga. Mbasa mo to at maisip mo na sumosobra ka na. Kung di lang masama mambugbog matagal ka na namin kinuyog!

    ReplyDelete
  3. Thumbs up!!at kung sino ka man...wag ka namang abusado sa paggamit ng ibang tao para maexpose ka..!!baka gusto mu n ring ma dyaryo??huh sabihin mu lang..!!kung galit kA SA mga namumulang mga fans ni james eh sorry ka..hinahangaan nmin sya eh..at sino ba ang talagang mayabang??ang mga BGK na kpag nakaka shoot eh..todo sigaw at hinahampas ang dibdib tanda ng kayabangan!!??huh eh c james sa tagal ko ng pinapanood ang mga game nia mkkta nten talaga ang pgging HUMBLE nia...as in npaka simpleng manlalaro at un aNG HINANGAAN nmin sa kania...!!!

    ReplyDelete
  4. james yap for life!! hahaha..buti pa si james walang kayabangan sa katawan..

    ReplyDelete
  5. dear friends,
    you conveniently overlook the fact that james could have signed the annulment papers without asking a single centavo from kris. kung may konti siyang kahihiyan, hindi na niya sana ginawang kondisyon ang 90M para pirmahan ang mga papeles na magpapawalang-bisa sa kasal nila ni kris. tutal, hindi niya pinagpaguran o binili ng sariling pera ang mga ari-arian na hinihingi niya.
    sa kabila ng pagiging tahimik sa harap ng kamera, si james yap ay may ugaling di maganda at di dapat pamarisan ng nakakarami.

    ReplyDelete
  6. Ang MAS MASAMA EH YUNG SIRAAN ANG ISANG TAO para sumikat di ba EFD?

    ReplyDelete
  7. dear anonymous,
    paninira ba ang pagsabi nang totoo ? hindi ba totoo na ayaw pirmahan ni james yap yung annulment papers hanggang hindi napupunta sa kanya ang mga ari-arian ni kris na nagkakahalaga nang lampas 90M ? kailangan nating buksan ang ating mga mata. kailangan talikuran ang masama. The truth shall set you free.

    ReplyDelete
  8. hahaha! halata sa blogger na asar na asar na! bilangin mo nga ang mga comment na nagsasabing pango si MC at bilangin mo rin yung mga comment na inaalipusta si James! gawa ba ng matinong blogger ang ginagawa mo? manggagamit! hahaha! asar talo!

    ReplyDelete
  9. to efd:
    at san galing ang figure mu aber? sa chismis? chismis ka lang nakabase eh, do we know the exact figure? the press could have just exaggerated the "90M" that he was allegedly "asking". This is a legal battle between the man and his wife. We don't know better, only their legal teams know of the exact terms and conditions asked by the camp of James. Who are we to judge someone? Who are we to make false accusations against an entity?
    Kung anu man ang pinagdadaanan ng mag-asawa sa ngayon, tanging sila lang ang nakakaalam, at sila lang ang may karapatang magsalita tungko sa kanilang relasyon at kaso. Please lang, huwag mu sabihing hindi pinagtratrabahuan ni James ang kanyang pera, di ka ba nanunuod, halos mamatay na ang mama sa kayod marinung basketball na pinapakita nya..Ikaw, anu na ba nagawa mu? Ala, manira at manggamit lng ng ibang tao.God bless!

    ReplyDelete
  10. dear anonymous,
    wag kang masyadong magalit. nagpapaliwanagan lang tayo.
    nagdeklara si kris aquino ng income amounting to 300M for the period that she and james yap were together as husband and wife. James declared an income of 25M. under philippine law, properties and assets of couples are divided 50-50 upon annulment of marriage. so taking 300M + 25M = 325M / 2 = 162.5M. that's 162.5M for james and kris. ay, mali pala figure ko, mas malaki pala nakuha ni james yap !!!

    ReplyDelete
  11. Tigilan na pagmamalinis at kplastikan na ito! Kahit sino nasisilaw sa pera lalo na isa yun sa mga way pra makapaghiganti. Si James ay ngkpera at nadaya si Kris sa isang pirmahan lng. Well that's life. Kung ako man din. Pagkatapos ako magtimpi ilang taon sa chismis sa halip na tahimik buhay may asawa gugulangan ko din si Kris! That's reality. Hindi lahat ng tao mgppkamartir na konwari ay di ko kelangan ng pera ng ex wife ko. Kplastikan! Kbobohan! MAhilig lang tlga tyong manilip sa buhay ng may buhay. Kahit isa ka pang Public Figure dapat may natitira pa rin na Privacy syo. HIndi lahat iiiyak mo sa harap ng kamera. Tma lng ang pagiging tahimik ni James, sabihin mo na may masama siyang ugali na dapat tularan e ikw ba wla? Ngkataon lng na sikat sya at ikaw ay hinde kya gaya ng ginagawa mo isusulat mo lahat ng makakasira sa kanya. Perpekto ka kse yata. Hahaha! E sayo wlng mgaabala ng hukayin ang pgkatao mo kse for sure hindi ka bebenta.

    ReplyDelete
  12. Yehay! Madami pera si James Yap. Good Job! Maigi nga ke Kris Aquino. Hahaha! Yan ang consequence dahil kating kati siya makipaghiwalay. nkhanp din siya ng makakagulang sa knya. Kung ako din I will do the same thing. Etong si EFD , nku di niya gagawin yun. Anghel yan sa kabaitan. wla yang masamang ugali db? Hahahaha! perfect sa kalinisan ng pamumuhay, kya di nian ginagamit si james yap sa mga blogs niya lagi e para sumikat. haha :P

    ReplyDelete
  13. LOL the Church you belong before has every right to kick you out kung ganyan ang mga blogs mo. I wonder what values you teach the kids at a shelter kung ikaw mismo don't respect the private lives and business of other people. Kawawang mga bata...

    ReplyDelete
  14. sa nakikita ko EFD hindi ka hater ni james yap...isa ka sa milyong milyon nyang mga fans,alm mo kung bkt?kasi bawat galaw ni james bawat issue sa kanya alam mo,ganyang ganyan ang isang FAN..

    saka ano na nga pala nangyari sa ginawa mong survey between james and mark? alm ko tambak na c caguioa ng 1,200 votes...

    at alam mo kung ano tawag jn?? KARMA!!

    ReplyDelete
  15. haha siguro napipikon kna.. saka bkt parng tinanggal mo ung comment ko dito? asar kna?haha

    ReplyDelete
  16. Naku si EFD parang ang daming alam tungkol kay James!ISA KA LANG NAMAN WALANG KWENTANG HATER NI JAMES!.ANg daming mong alam,..boy ka ba ni James kaya alam mo lahat kung anong klaseng tao si James or siguro Driver ni James or body guard.hahahaha..or ISA KANG SUGO NI KRIS AQUINO,PARA MANIRA SA BUHAYNI JAMES!OR DIEHARD FAN KA NI KRIS AQUINO,OR NANLIGAW KA KAY KRIS HINDI KA SINAGOT DAHIL NAUNAHAN KA NI JAMES..HAHAHAHA
    KAWAWA KA NAMAN!INGITERO KA KASI!ETO NA LANG PABLOG2,
    SINONG MUKHANG PERA SI jAMES BAKA IKAW?
    GINGAMIT MO LANG ANG KASIKATAN NI JAMES PARA YUMAMAN!.TIGNAN MO NAMAN ANG SARILI MO ABER KASI ISA KARING MUKHANG PERA!NAGHAHANAPBUHAY KA DITO PERO SA ISANG MARUMING PARAAN.PURO PANINIRA LANG ANG GINAGAWA MO!!KAYA PALA NAKICKED OUT KA SA CHURCH NIYO KASI SA SOBRANG TAAS NG SUNGAY MO!!!!HINDI KA NABABAGAY!:P :P :P :P :P :P

    matunaw ka sa ingit sa kasikatan ni JAMES YAP!!!

    ReplyDelete
  17. ano ba to? botohan o siraan.......rolex

    ReplyDelete
  18. Haters are confused admirers who can't understand why everybody loves you. Never let them drag you down!

    James Yap never let him bring you down. :D

    ReplyDelete
  19. Irespect naten si EFD na ayaw niya tlga kay James Yap. Pero sana irespeto rin niya na may sariling buhay si James Yap. Kaya tuloy pinuputakte tong blog niya ng hatreds e puro hatreds din kay James ang sinusulat niya. May bahagi pa rin ang isang tao na kailangan itira para sa kanya.

    ReplyDelete
  20. Kami naman na mga Bmeg lalo na at James Yap fans have nothing against other team or other players. Di lang tlga maiiwasan ang kantiyawan pag minsan. Yung pango issue kc na yan ay ngsimula bilang pambawi sa mga sinasabi ng fans ng ibang team kay James na sumikat lang si James gawa ni Kris , puro 3 pts lng ang alm at yung hindi deserving na mging 2 time MVP. As a fan siyempre mgreresponse kami. Bawian yan, kahit sino when you idolize someone you will not allow somebody just to criticize your idol without any basis at all. Gaya nung hindi deserving sa MVP award. Anak ng tinapa! May nakaisip pa non? He deserves it. Pasan niya ang Bmeg parati ngkataon lng na bgsak sa standings ngyon kse mahirap, sala ang tira walang mkrebound, kahit gaano ka kagaling na player kapag wla kng katulong mttlo at mttlo yun. He played physically and emotionally hurt.

    Ang sa amin lang konting respeto naman sa mga paratang naten. Para kaseng pati credibility ng PBA e kinukwestyon niyo, kung ganon lng din wag na niyo suportahan db? Kung naniniwala na sobra promotion ng PBA kay James. Ganon talaga sikat e, kaya ineemphasize para abangan di ba? Sino ba naman ang mnonood sa mga kung sino2 lang. No offense.

    ReplyDelete
  21. where's your proof that james is actually asking for that amount? oh c'mon! proof first before you say those kind of things.

    ReplyDelete
  22. Ang isyu ng pera na yan e di masyadong pinaguusapan sa telebisyon. Ultimo kay Kris na sobrang daldal ay hindi ko naririnig to. How come na pinapaulit ulit ito ng blogger na to? Para ba tlga hindi ito tularan ng nakararami o baka para sa pansariling intensyon ng blogger? Kakaumay na kase. Hahahaha. Di naman epektib. Lalo lang minamahal ng mga tao si James. Hehehe

    ReplyDelete
  23. anak ka ng yawa!!..EFD!!..wala ka ng magawa sa buhay mo..lam mo..kitang lita talaga na insecure ka at alam kong alam mong mas sikat talaga si james kesa kay mark..di mo lng talaga matanngap..kaya kahit ano nlng topic ang pinag gagawa mo..so ibig sabihin nun..di sisikat itong blog mo kung hindi mo ginawang topic si james..it just shows kung ganu kasikat si james na pati ikaw napa gamit sa pangalan nya para magkaroon ng publicity itong blog mo...hahaha..pathetic!!..kasi kung puro caguioa at simbahan mo na sinipa ka ang lahat ng topic mo..lalangawin ito ng husto..heheh!!!..shut the crap!!..just accept...ngayon sino ba ang lamang sa survey mo?!?!..hahaha..gumising kana tol..nananginip kpa ata!!

    ReplyDelete
  24. pango na nga mayabang pa haha

    ReplyDelete