Monday, June 21, 2010

JOVIT BALDOVINO : THE NEW NORA AUNOR ?

This early. drumbeaters of Pilipinas Got Talent winner Jovit Baldovino are hailing the new singing champion as the new Nora Aunor. No less than ABS-CBN is intense in its promotion of their new talent as the heir apparent of the one and only Superstar.
Kunsabagay, marami talagang pagkakatulad si Jovit kay Ate Guy. Tulad ni Ate Guy, si Jovit ay nagmula sa mahirap na pamilya. Kung si Ate Guy ay nagtinda ng tubig sa tren sa Bicol, si Jovit ay natindi rin ng siomai sa Batangas. Tulad ni Ate Guy, si Jovit ay maitim at maliit. At tulad ni Ate Guy, si Jovit ay may angking kahanga-hangang tinig.
But there is one big difference between Jovit and Ate Guy. Wala kay Jovit ang pagiging sobrang magalang ni Ate Guy. Mula noon hanggang ngayon, di makapagsalita si Ate Guy nang walang po, opo, kuya at ate. Hindi ko kinakikitaan si Jovit nang kababaang-loob ni Ate Guy. Noong nakaraang paglabas ni Jovit sa ASAP, nagulat ako sa pag-asta ni Jovit na ala-VJ na madalas ipagawa ng ABS-CBN sa kanyang mga talento. Di kataka-taka na sa paglipas ng panahon, mawala nang lubusan ang katangiang pang-masa ni Jovit.
Besides, Jovit has yet to receive gold record and acting awards which Ate Guy has received a million times over. And with ABS-CBN handling his career, I don't think Jovit can maintain his mass appeal like what Nora Aunor has done incredibly for the last 50 years. Totoo na nag-iisa lang ang Superstar.

No comments:

Post a Comment