Nanalo ang La Salle Lady Spikers laban sa Ateneo Lady Eagles nung nakaraang Sabado. Nangangailangan na lamang ng isang panalo ang La salle para makopo ang kampeonato. Dalawang panalo pa ang kailangan ng Ateneo para masungkit ang titulo.
Nanlilisik ang mga mata ng mga La Salee players sa laro nung Sabado. Sumisigaw pa ang Lady Spikers sa tuwing makakapuntos. Samantala, ngiti lamang ang makikita sa mga labi ng Ateneo players. Sinunod ng mga Katipunan-based spikers ang bilin ng kanilang Thai coach na "happy-happy".
Sa ganang akin, Ateneo pa rin ang mananaig sa bandang huli. Bagamat mas talented ang bawat manlalaro ng La Salle, ang mga players ng Ateneo ay may kalmadong galing na pang buong koponan. Ang determinasyon ng Ateneo spikers ay wala sa lisik ng mga mata. Ito ay nakapaloob sa mga ngiti na may kaakibat na pagnanasang magtagumpay. Ang bawat yakap at salita ng mga manlalaro ng Ateneo sa isa't-isa ay larawan ng pagiging isang buong koponan. Marahil, ito ang siyang pinakamahalagang kontribusyon ng kanilang Thai coach.
Kaya, Ateneo pa rin para sa akin.
No comments:
Post a Comment