Isang do-or-die game ang magaganap sa pagitan ng La Salle Lady Spikers at Ateneo Lady Eagles sa Sabado. Nakataya ang kampeonato ng UAAP Women's Volleybal Season 76 sa paghaharap ng magkaribal na koponan sa Sabado.
Naniniwala ako na di dapat kampihan ang La Salle sa championship series nito kontra Ateneo. Unang-una, naging maramot ang La Salle sa pagpapahiram ng mga players nito sa national team. Ni isang manlalaro ng La Salle ay di sumali sa alin mang national team ng Pilipinas na ipinadala sa international tournament. Di tulad ng Ateneo na ipinahiram si Valdez sa Asian zonals, pinili ng La Salle na wag magpahiram ng sino mang player nito. Pangalawa, maging ang coach ng La Salle na si Ramil de Jesus ay tumangging ipagkaloob ang kanyang serbisyo sa national team. Ayon sa mapagkakatiwalaang source, unang inalok kay Coach Ramil ang posisyong head coach ng women's national team. Subalit, tinanggihan ito ni Coach Ramil. Ayon pa rin sa nasabing source, mas minabuti ni Coach Ramil na pagtuunan ng pansin ang La Salle team.
Dahil sa kanilang kawalan ng pagmamalasakit at pagmamahal sa bansa, wala ng dahilan pa na kampihan ang La Salle Lady Spikers. Dapat turuan ng leksyon ang mga makasariling Pilipino na tulad nila.
No comments:
Post a Comment