Tatlong araw bago ang torneo, humingi uli ang PCKF ng halagang Php 376,766.00 dahil ayon sa PCKF, kulang ang unang binigay ng PSC na pamasahe. Binigay naman ng PSC ang hinihingi ng PCKF.
Nakarating sa Milan ang buong dragon boat team kasama ang ilang opisyal ng PCKF. Nanalo ng anim na gintong medalya ang koponan.
Matapos ang halos isang taon, naglabas ng pahayag ang PCKF na ang una nitong nakuhang pera mula sa PSC ay sapat para sa pamasahe ng buong koponan. Inamin ng PCKF na hindi na ito nagabono pa sa pamasahe ng Philippine Dragon Boat Team papuntang Milan. Subalit humingi pa rin ang PCKF ng halagang Php 292,228.00 bilang reimbursement.
Ang malaking katanungan ngayon, ibinalik ba ng PCKF ang dagdag na Php 376.766.00 na nakuha nito ? At bakit sinabi ng PCKF na kulang ang unang binigay ng PCKF na halaga para pamasahe gayung sapat naman pala ito ? Saan napunta ang Php 376.776.00 na ibinigay ng PSC ? Hinabol ba ng PSC ang naibigay nitong sobrang halaga ng salapi ? Bakit isang taon pa bago umamin ang PCKF na nakatanggap ito ng sobrang halaga mula sa PSC ? Di ba dapat isang buwan lamang ang liquidation sa PSC ? At bakit humingi pa ng reimbursement ang PCKF matapos ang mahabang panahon ?
At ang pinakamahalang tanong : BAKIT SOBRANG GALANTE AT LUWAG NG PSC SA PAGBIGAY NG PERA SA PCKF ?
Wow. Hindi siguro inaasahan ng PSC na may nag checheck ng mga sinusulat nila. Siyempre palipas muna panahon, para hindi na mainit. Ibig ba sabihin pag naisulat na ay legit na talaga? Lagot sila pag nag audit. Pero hindi naman yata sila takot sa COA. Mas nakakatakot si POC President Cojuangco.
ReplyDelete