Saturday, March 1, 2014

ONE-ON-ONE WITH JAYPEE BELENCION ( UNEDITED VERSION)



courtesy of SPORTS5


Maraming pagbabago ang kasalukuyang nagaganap sa Globalport Batang Pier. Si dating UST Tigers head coach Pido Jarencio na ang tumatayong head coach ng koponan. Ilan sa mga dating players ang nawala sa line-up. Isa si Jaypee Belecion sa mga players na di pa rin tiyak ang puwesto sa Globalport. Ang dating star player ng Letran at NLEX Road Warriors ay nakikipagnegosasyon pa rin sa Globalport upang manatili sa team. Sa isang ekslusibong panayam, ikinuwento ni Belencion ang kanyang pinagdaraan sa kanyang basketball career.

1. Ano ang iyong lagay sa Globalport Batang Pier ?

Nuong kinausap ako ni Boss BJ (Manalo), ang sabi niya iba-buyout ako. Tapos nang paguusap namin, tinawagan ko ang manager ko, si Boss Danny (Espiritu). Nagusap sila ni Boss BJ. Sabi ni Boss Danny kung puede kahit nasa reserve list ako para di mawala sa team.

2. Nasaktan ka ba sa pangyayari ?

Nagulat ako syempre. Hindi ko inaasahan na matatanggal sa team. Nagulat ako kung bakit ganun ang sinabi sa akin. Pero ok lang. Alam ko naman na parte yun ng buhay ng isang PBA player. It was a management decision.

3. Naging limitado ang iyong playing time sa Globalport. Pero sa mga pagkakataon na pinapasok ka, nakukuha mong ipakita pa rin ang iyong galing. Paano mo nagagawa yun ?

Trabaho ko ang ibigay ang 100% ko. Ibinibigay ko ang 100% ko pag nabibigyan ako ng pagkakataon. Pinapakita ko ang best ko every time. Gamitin man ako o hindi, binibigay ko ang best ko sa practice at game.

4. Ano ang natutunan mo sa pinagdadaanan mong low point sa iyong basketball career ?

Siguro po talagang ganun. Hindi po natin hawak kung ano ang mangyayari. Sabi nga, parang gulong ang buhay. Minsan, nasa itaas. Minsan, nasa ibaba. Ganun po siguro talaga dahil hindi naman natin hawak ang desisyon ng ibang tao.

5. Maituturing mo bang pinakamalungkot na pangyayari ito sa iyong career ?

Ang mawalan ng team ang talagang pinakamalungkot para sa isang player. Mawalalan ka talaga ng pagkakakitaan at sense of purpose. Para sa isang tulad ko na walang negosyo, mahirap mawalan ng kabuhayan para sa pamilya. Pero it is all part of the job. Positive pa rin ako.

6. Saan ka kumukuha ng lakas sa mga sandaling tulad nito ?

Kumukuha ako ng lakas sa pamilya ko. Sa mga anak ko at asawa ko. At lalung-lalo na kay God. Ipinauubaya ko na ang lahat sa Kanya.

7. Bilang player, ano pa ang kailangan mong i-improve ?

Madalas kasi, pinapatira lang ako nang pinapatira sa game. Siguro, I need to improve my dribbling skills para maging effective din ako sa drive at lay-up. Sa PBA, importante ang depensa. Kaya kailangan kong galingan rin sa depensa.

8. Kung ikaw ang papipiliin, saang team mo gusto mapabilang ?

Kung ako po, Ginebra. Crowd favorite po kasi ang Ginebra. Pero kahit anong team, masaya na ako..

9. Ano ang maipapangako mo sa team na kukuha sa iyo ?

Gaya nang nasabi ko po, gamitin man ako o hindi, ibibigay ko ang best ko sa game at practice. Siguro, may ekstra pang depensa.

No comments:

Post a Comment