Lumabas rin sa wakas ang katotohanan. Ayon sa COA report na lumabas sa Manila Bulletin, may unliquidated cash advances ang Philippine Canoe Kayak Federation na nagkakahalaga ng PhP783,200.00. Ang COA report ay matinding patunay na tama ang sinasabi ng tinanggal na Philippine Dragon Boat team na may anomalya kaugnay sa pananalapi ang kanilang national sports association.
Ngayon, wala nang dahilan pa ang PCKF, PSC at POC na paratangan na gawa-gawa at pambabastos lamang ang mga pinagsasabi ng tinanggal na dragon boat team. Wala nang dahilan upang kampihan pa nina Peping Cojuangco at Richie Garcia sina PCKF President Jonne Go at Coach Len Escollante. Sa inilabas ng COA, lantarang nabunyag ang maling pagkampi at pagtatanggol nina Cojuangco at Garcia kina Go at Escollante.
Dapat managot sina Cojuangco, Garcia, Go at Escollante sa ginawa nila sa buong dragon boat team. Hindi biro ang pagpapahirap at pagyurak sa karapatan na ginawa nilang apat sa mga miyembro ng Philippine Dragon Boat team. Kung may natitira pang delikadeza at katinuan sa pagiisip ang apat na sports officials na ito, marapat lamang na ibalik nila ang buong team sa national pool. Marapat din na pagisipan nila ang pagbibitiw sa puwesto sa sobrang pagkakamali na nagawa nila.
The Gold Medal focuses on the men and women who show excellence in sports and sports management. The Gold Medal likewise honors athletes and sports officials who try to effect change in Philippine sports.
Friday, March 28, 2014
Saturday, March 22, 2014
ANG COMMISSION ON AUDIT AT PERA NG BAYAN
Headline sa isang pahayagan ang paghabol diumano ng Commission on Audit o COA sa mga indibidwal at organisasyon na hindi ma-liquidate ang perang bigay ng gobyerno. Ayon sa ulat, magsasampa ng kaso ang COA sa mga mapapatunayang lumustay ng pera ng bayan. Maganda ang panukalang ito ng COA. Subalit gaano kadesidido ang nasabing ahensiya sa paghabol sa mga tiwali ?
Apat na buwan na akong humihingi ng COA report hinggil sa liquidation ng Philippine Canoe Kayak Federation na isang NSA sa ilalim ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee. Batay sa nakuha kong impormasyon, imposibleng ma-liquidate ng PCKF ang iba nitong nakuhang pera mula sa PSC. Nais kong makita kung walang prinoprotektahan ang COA at makatotohanan ang report nito. Sa loob ng apat na buwan, walang report na ipinabasa o ibinigay sa akin ang COA. Sa halip isang email ang ipinasa sa akin ng tinanggal na Philippine Dragon Boat team.
Mga katanungan sa halip na kasagutan ang pinalutang ng naturang email. Una, bakit di puedeng ilabas ang report gayung ito ay isang public document ? Bakit ang PSC ang binigyan ng report gayung ako at ang tinanggal na dragon boat team ang humihingi nito ? Bakit naglabas ng circular ang COA mismo na nagsisilbing balakid sa pamamahagi ng mga reports ? Higit sa lahat, bakit kailangan pa ng komento ng PCKF at PSC sa report ?
Ang kinukuwestiyon kong liquidation ay nuon pang 2012 dapat naayos. Sa loob ng dalawang taon, hindi nakuhang kasuhan ng COA ang PCKF, PSC at POC. Sa katunayan, mababaon na sana ito sa limot kung hindi nagreklamo mismo ang buong Philippine Dragon Boat team patungkol sa anomalya. Ngayon, masasabi ba na seryoso ang COA sa paglalantad at pagpaparusa sa mga tiwali ?

Saturday, March 15, 2014
LESSONS LA SALLE WOMEN'S VOLLEYBALL TEAM MUST LEARN
La Salle Lady Spikers lost to Ateneo Lady Eagles in three straight sets in a do-or-die championship game yesterday. With the loss, La Salle failed to score a historic four-peat.
Hopefully, La Salle has learned its lesson. La Salle has been selfish to loan its players to the national team. As a result, all of its players were so tense during the championship game. The Lady Spikers were so unsure of themselves that they failed to even win a set against Ateneo in a game that mattered most. No one from La Salle exuded the confidence of Alyssa Valdez. Being able to compete in the Asian zonals, Valdez stood head and shoulders above the whole La Salle team. Valdez was able to carry her team as her experience playing outside the country gave her the maturity and skill to command her very best. As a result, Valdez' confidence rubbed off on her teammates.
The coach of La Salle will also do well to realize the importance of international exposure. In his head-to-head match up with Ateneo's Thai coach, Coach Ramil simply looked like a novice. Despite the language barrier, Coach Tai was able to bring out the best from his players using his vast experience from international competitions. Coach Ramil, on the other hand, could not do anything to pull his team out of the doldrums.
La Salle shoud really reassess its position of not lending its players and coach to the national team if it plans to do better next UAAP season.

Thursday, March 13, 2014
BAKIT DI DAPAT KAMPIHAN ANG LA SALLE LADY SPIKERS
Isang do-or-die game ang magaganap sa pagitan ng La Salle Lady Spikers at Ateneo Lady Eagles sa Sabado. Nakataya ang kampeonato ng UAAP Women's Volleybal Season 76 sa paghaharap ng magkaribal na koponan sa Sabado.
Naniniwala ako na di dapat kampihan ang La Salle sa championship series nito kontra Ateneo. Unang-una, naging maramot ang La Salle sa pagpapahiram ng mga players nito sa national team. Ni isang manlalaro ng La Salle ay di sumali sa alin mang national team ng Pilipinas na ipinadala sa international tournament. Di tulad ng Ateneo na ipinahiram si Valdez sa Asian zonals, pinili ng La Salle na wag magpahiram ng sino mang player nito. Pangalawa, maging ang coach ng La Salle na si Ramil de Jesus ay tumangging ipagkaloob ang kanyang serbisyo sa national team. Ayon sa mapagkakatiwalaang source, unang inalok kay Coach Ramil ang posisyong head coach ng women's national team. Subalit, tinanggihan ito ni Coach Ramil. Ayon pa rin sa nasabing source, mas minabuti ni Coach Ramil na pagtuunan ng pansin ang La Salle team.
Dahil sa kanilang kawalan ng pagmamalasakit at pagmamahal sa bansa, wala ng dahilan pa na kampihan ang La Salle Lady Spikers. Dapat turuan ng leksyon ang mga makasariling Pilipino na tulad nila.

Sunday, March 9, 2014
UAAP WOMEN'S VOLLEYBALL SEASON 76 : ATENEO PA RIN
Nanalo ang La Salle Lady Spikers laban sa Ateneo Lady Eagles nung nakaraang Sabado. Nangangailangan na lamang ng isang panalo ang La salle para makopo ang kampeonato. Dalawang panalo pa ang kailangan ng Ateneo para masungkit ang titulo.
Nanlilisik ang mga mata ng mga La Salee players sa laro nung Sabado. Sumisigaw pa ang Lady Spikers sa tuwing makakapuntos. Samantala, ngiti lamang ang makikita sa mga labi ng Ateneo players. Sinunod ng mga Katipunan-based spikers ang bilin ng kanilang Thai coach na "happy-happy".
Sa ganang akin, Ateneo pa rin ang mananaig sa bandang huli. Bagamat mas talented ang bawat manlalaro ng La Salle, ang mga players ng Ateneo ay may kalmadong galing na pang buong koponan. Ang determinasyon ng Ateneo spikers ay wala sa lisik ng mga mata. Ito ay nakapaloob sa mga ngiti na may kaakibat na pagnanasang magtagumpay. Ang bawat yakap at salita ng mga manlalaro ng Ateneo sa isa't-isa ay larawan ng pagiging isang buong koponan. Marahil, ito ang siyang pinakamahalagang kontribusyon ng kanilang Thai coach.
Kaya, Ateneo pa rin para sa akin.

Thursday, March 6, 2014
PDAF SA SPORTS ?
Sumali ang Philippine Dragon Boat Team sa 2012 World Championships na ginanap sa Milan, Italy nuong August 26 hanggang September 3, 2012. Humingi ang PCKF nang pamasahe para sa koponan. Nagbigay naman ang Philippine Sports Commission ng halagang Php 1,358,370.00 para sa airfare ng 26 na katao.
Tatlong araw bago ang torneo, humingi uli ang PCKF ng halagang Php 376,766.00 dahil ayon sa PCKF, kulang ang unang binigay ng PSC na pamasahe. Binigay naman ng PSC ang hinihingi ng PCKF.
Nakarating sa Milan ang buong dragon boat team kasama ang ilang opisyal ng PCKF. Nanalo ng anim na gintong medalya ang koponan.
Matapos ang halos isang taon, naglabas ng pahayag ang PCKF na ang una nitong nakuhang pera mula sa PSC ay sapat para sa pamasahe ng buong koponan. Inamin ng PCKF na hindi na ito nagabono pa sa pamasahe ng Philippine Dragon Boat Team papuntang Milan. Subalit humingi pa rin ang PCKF ng halagang Php 292,228.00 bilang reimbursement.
Ang malaking katanungan ngayon, ibinalik ba ng PCKF ang dagdag na Php 376.766.00 na nakuha nito ? At bakit sinabi ng PCKF na kulang ang unang binigay ng PCKF na halaga para pamasahe gayung sapat naman pala ito ? Saan napunta ang Php 376.776.00 na ibinigay ng PSC ? Hinabol ba ng PSC ang naibigay nitong sobrang halaga ng salapi ? Bakit isang taon pa bago umamin ang PCKF na nakatanggap ito ng sobrang halaga mula sa PSC ? Di ba dapat isang buwan lamang ang liquidation sa PSC ? At bakit humingi pa ng reimbursement ang PCKF matapos ang mahabang panahon ?
At ang pinakamahalang tanong : BAKIT SOBRANG GALANTE AT LUWAG NG PSC SA PAGBIGAY NG PERA SA PCKF ?
Saturday, March 1, 2014
ONE-ON-ONE WITH JAYPEE BELENCION ( UNEDITED VERSION)
courtesy of SPORTS5 |
Maraming pagbabago ang kasalukuyang nagaganap sa Globalport Batang Pier. Si dating UST Tigers head coach Pido Jarencio na ang tumatayong head coach ng koponan. Ilan sa mga dating players ang nawala sa line-up. Isa si Jaypee Belecion sa mga players na di pa rin tiyak ang puwesto sa Globalport. Ang dating star player ng Letran at NLEX Road Warriors ay nakikipagnegosasyon pa rin sa Globalport upang manatili sa team. Sa isang ekslusibong panayam, ikinuwento ni Belencion ang kanyang pinagdaraan sa kanyang basketball career.
1. Ano ang iyong lagay sa Globalport Batang Pier ?
Nuong kinausap ako ni Boss BJ (Manalo), ang sabi niya iba-buyout ako. Tapos nang paguusap namin, tinawagan ko ang manager ko, si Boss Danny (Espiritu). Nagusap sila ni Boss BJ. Sabi ni Boss Danny kung puede kahit nasa reserve list ako para di mawala sa team.
2. Nasaktan ka ba sa pangyayari ?
Nagulat ako syempre. Hindi ko inaasahan na matatanggal sa team. Nagulat ako kung bakit ganun ang sinabi sa akin. Pero ok lang. Alam ko naman na parte yun ng buhay ng isang PBA player. It was a management decision.
3. Naging limitado ang iyong playing time sa Globalport. Pero sa mga pagkakataon na pinapasok ka, nakukuha mong ipakita pa rin ang iyong galing. Paano mo nagagawa yun ?
Trabaho ko ang ibigay ang 100% ko. Ibinibigay ko ang 100% ko pag nabibigyan ako ng pagkakataon. Pinapakita ko ang best ko every time. Gamitin man ako o hindi, binibigay ko ang best ko sa practice at game.
4. Ano ang natutunan mo sa pinagdadaanan mong low point sa iyong basketball career ?
Siguro po talagang ganun. Hindi po natin hawak kung ano ang mangyayari. Sabi nga, parang gulong ang buhay. Minsan, nasa itaas. Minsan, nasa ibaba. Ganun po siguro talaga dahil hindi naman natin hawak ang desisyon ng ibang tao.
5. Maituturing mo bang pinakamalungkot na pangyayari ito sa iyong career ?
Ang mawalan ng team ang talagang pinakamalungkot para sa isang player. Mawalalan ka talaga ng pagkakakitaan at sense of purpose. Para sa isang tulad ko na walang negosyo, mahirap mawalan ng kabuhayan para sa pamilya. Pero it is all part of the job. Positive pa rin ako.
6. Saan ka kumukuha ng lakas sa mga sandaling tulad nito ?
Kumukuha ako ng lakas sa pamilya ko. Sa mga anak ko at asawa ko. At lalung-lalo na kay God. Ipinauubaya ko na ang lahat sa Kanya.
7. Bilang player, ano pa ang kailangan mong i-improve ?
Madalas kasi, pinapatira lang ako nang pinapatira sa game. Siguro, I need to improve my dribbling skills para maging effective din ako sa drive at lay-up. Sa PBA, importante ang depensa. Kaya kailangan kong galingan rin sa depensa.
8. Kung ikaw ang papipiliin, saang team mo gusto mapabilang ?
Kung ako po, Ginebra. Crowd favorite po kasi ang Ginebra. Pero kahit anong team, masaya na ako..
9. Ano ang maipapangako mo sa team na kukuha sa iyo ?
Gaya nang nasabi ko po, gamitin man ako o hindi, ibibigay ko ang best ko sa game at practice. Siguro, may ekstra pang depensa.
Subscribe to:
Posts (Atom)