Tuesday, October 13, 2015

O, ANO NGAYON ?

courtesy of sg.sports.yahoo.com
Sa kabila ng walang patid kong panawagan na huwag tangkilikin ang Philippine Superliga at Shakeys VLeague, pinili ng ilang tao at institusyon na magbingi-bingihan. Patuloy at ayaw paawat pa rin ang ilang kumpanya at paaralan sa pagsali sa mga liga na pinamumunuan nina Tats Suzara at Ricky Palou.

Kung nag-iisip lang nang mabuti ang mga tao, mapapagtanto nila na walang magandang patutunguhan ang pagtangkilik sa mga liga nina Suzara at Palou. Matatandaan na naging bahagi sina Suzara at Palou sa di-makatarungang pagbuwag sa Philippine Volleyball Federation. Matapos tulungan ng PVF ang dalawang ito, nagawa pa nilang gumawa nang di kanais-nais sa PVF.

courtesy of pba-online.net
Ngayon, tila mahaharap sa malaking pagsubok ang dalawa. At tila pati ang kanilang mga kakampi ay madadamay. Ang sarap harapin sina Suzara, Palou at kanilang mga kakampi at bigkasin ang mga katagang "O ano ngayon ?".

No comments:

Post a Comment