Wednesday, October 7, 2015

I-BOYKOT ANG MGA PRODUKTO NG MGA KOPONANG KASALI SA PSL AT SHAKEY'S VLEAGUE

Nagkasabay-sabay ang torneo ng Philippine Volleyball Federation, Philippine Superliga at Shakey's VLeague. Bagamat pinakamaraming koponan pa rin ang sumali sa torneo ng PVF, di ko maiwasang masuklam sa mga koponang sumali sa PSL at Shakey's VLeague. Sa kabila ng ginawang pang-iisa ng pamunuan ng PSL at Shakeys sa PVF, may ilan pa ring nagpasiyang kumampi sa mali.

Kaya walang asenso ang Pilipinas bilang isang bansa. Marami kasi sa atin ang walang konsepto ng tama sa mali. Wala tayong kakayanang ipaglaban ang tama at katotohanan. Laging nananaig sa ating mga Pilipino ang makasariling hangaring kumita at sumikat sa ano mang paraan.

Kaya naman, ako ay nananawagan ngayon ng isang boykot ng mga produkto ng mga koponang kasali sa PSL at Shakey's VLeague. Ang mga koponan at kanilang mga produkto na dapat i-boykot ay ang mga sumusunod :

PSL
1. Petron
2. Cignal
3. Meralco-DLSU
4. Philips Gold
5. RC COLA-Army

Shakeys VLeague
1. KIA Motors
2. Philippine Army
3. UP Diliman
4. PLDT Home Ultera
5. Philippine Navy
6. Coast Guard

Ang mga bumubuo ng mga koponang nabanggit ay hindi iba sa atin na may pasaning ipaglaban at manindigan sa tama. Isang boykot ang tugon sa kanila na patuloy na umiiwas sa responsibilidad na ito.


No comments:

Post a Comment