Thursday, July 9, 2015

PSL BEACH VOLLEYBALL CHALLENGE CUP : I-BOYKOT

courtesy of cnnphilippines.com


Akala siguro ni Tats Suzara na di alam ng volleyball community ang naging papel niya sa biglaang pagkawala ng FIVB recognition ng Philippine Volleyball Federation (PVF). Akala siguro niya di alam ng publiko ang pinaggagagawa niya para sa madling panahon ay matanggalan ng pagkilala ang PVF bilang national federation ng Pilipinas sa volleyball.

Ngayon, panahon na para ipaalam kay Suzara na di mangmang ang mga totoong nagmamahal sa volleyball. At wala nang gaganda pang panggising kay Suzara kundi isang matindi at malawakang boykot ng kanyang Beach Volleyball Challenge Cup.

Sa lahat ng nagmamalasakit sa volleyball sa Pilipinas, i-boykot ang PSL Beach Volleyball Challenge Cup na gaganapin sa July 18. Ipaalam natin kay Suzara ang ating pagtutol sa kanyang pinaggagagawa.

Isang boykot ang sagot sa panggugulo ni Suzara at kanyang mga alipores sa Philippine volleyball.

No comments:

Post a Comment