courtesy of lifestyle.inquirer.net |
Nagtala na ng panalo ang ilan sa mga koponang kasali sa 19th
Nestea Beach Volleyball sa unang araw ng kumpetisyon. Dinaig ng pares nina
Philip Michael Bagalay at Paul John
Cuzon ng Mapua ang koponan ng University of San Jose Recoletos (UNO-R), 21-13,
21-23, 15-8, sa unang laro ng torneo. Pinataob naman ng Holy Cross of Davao
College (HCDC) ang Colegio San Agustin Bacolod (CSA-B) sa iskor na 21-17 at
21-19. Nagsipagwagi rin ang Mindanao State University (MSU) at Southwestern
University (SWU) sa men's division samantalang ang San Beda College (SBC),
University of Mindanao Tagum (UMT), University of Negros Occidental Recoletos
(UNO-R) at Adamson ay pawang mga nanaig sa women's division.
Pansamantalang itinigil ang laro para isagawa ang official
opening ceremony pag sapit ng alas-dos ng hapon. Nagkaroon ng parada ang
dalawampu't - limang koponan na kasali sa torneo na binansagang "battle of
the champions". Ang dating national volleyball player na si Emiliano
Lontoc ang nanguna sa invocation. Nagbigay rin ng maiikling talumpati ang ilang
opisyal ng Nestle at Nestea, kinatawan ng mayor ng Malay at tournament director
na si Rustico Camangian.
Matapos ang ceremonial serve, ipinagpatuloy ang labanan sa
pagitan ng mga koponan. Sinundan ng HCDC, SWU at Mapua ang kanilang panalo sa
men's division nung umaga ng isa pang panalo sa hapon. Sa women's side, nanalo
ang University of Santo Tomas (UST), sa pangunguna ni Cherry Rondina, SBC at
UMT.
Medalya. tropeo at sandaang libong piso ang naghihintay sa
mga kampeon ng 19th Nestea Beach Volleyball.
No comments:
Post a Comment