Tuesday, April 19, 2016

JOHN REY RUDAS NG LPU PAKITANG - GILAS SA 4TH NSTC-GRAHAM C. LIM CLASSIC



Sa gitna ng pnananalasa ng Arellano University (AU) players sa 4th National Students Tennis Championship-Graham C. Lim Classic, isang Lyceum of the Philippines University (LPU) player ang nagpapakitang-gilas. Si John Rey Rudas, nag-iisang kinatawan ng LPU, ang unang player na nakapasok sa semifinals ng torneo. Isang panalo na lang ang kailangan ng bente anyos na player ng LPU para umabante sa championship. Kung sakaling papalarin siyang mag-kampeon, si John Rey ang ipapadala bilang kinatawan ng Pilipinas sa Summer Universiade na gaganapin sa Taiwan sa taong 2017.

Sa isang maikling panayam, ikinuwento ni John Rey ang kanyang buhay bilang student-athlete. Narito ang kanyang mga pahayag.

1. Kailan ka nagsimulang maglaro ng tennis ?
Nag-start po ako 11 years old, Grade 6. Sa high school, sa San Sebastian po ako naglaro. Sa college, sa Lyceum of the Philippines University na po.

2. Gaano ka kadalas mag-practice ?
Sa Lyceum, araw-araw po ang training, including weekends. Maganda po sana yun , kaso napansin po namin na nabu-burnout po kami. Sa last season ng NCAA, hindi namin nakuha yung expected ranking namin dahil pagod na po ang mga katawan namin. 

3. Anu-ano ng tournaments ang napanalunan mo ?
Bihira po kasi ako sumali sa mga tournaments. NCAA lang po sinasalihan ko. May eligibility rule po kasi sa NCAA.

4. Ano ang gusto mo marating bilang tennis player ?
Syempre, gusto ko po na maging number one tennis player ng Pilipinas. Pero matatagalan pa po bago ko makuha yun. Masaya na po ako ngayon sa unti-unting pag-improve ng game ko pati na rin ng personality ko ng dahil sa tennis.

5. Mahal ba ang sport na tennis ?
Yes po. Sabi nga nila, laro ito ng mayayaman. Nagbabayad po kami ng court fees sa practices pati na po bola madalas kami bumili. Kinakaya na lang po namin ang gastos through our sponsors like our school and private individuals.

6. What are your chances of becoming champion in the tournament and the Philippine representative to the Summer Universiade in Taiwan ?
Pinipilit ko pong makuha ang championship dahil bihira nga po ako sumali sa tournaments. Sabi nga po ng coach namin na sumali ako sa tournament na ito and being the sole represntative of LPU, gusto ko po talagang manalo and to represent the Philippines sa Universiade.

7. Ilan ba ang ipapadala sa Universiade ?
Sa pagkakaalam ko po, yung champion at first runner-up ang ipapadala sa Universiade.

8. Anong aral ang natutunan mo sa tennis na napapakinabangan mo sa buhay outside the playing court ?
Yung pagiging hardworking, cooperative and team player. Through tennis, natuto po akong makipagkapwa-tao..

9. Ano ang maipapayo mo sa mga bata na gusto rin maging tennis player na tulad mo ?
Actually, nagtuturo po ako ngayon ng mga bata sa amin ng tennis. Tinuturuan ko ang mga batang gusto maging tennis player pero walang pambayad sa tennis clinics. Masaya po akong makita ang ilang bata na nagsisikap matuto ng tennis para makapg-aral. Nanggaling po ako sa ganung sitwasyon kaya I share to them whatever knowledge I have. Kailangan lang po nila magtiyaga para maabot nila ang kanilang mga pangarap.

No comments:

Post a Comment