Nakatakdang magsimula ang National Students Tennis Championship (NSTC)-Graham Chua Lim Classic sa ika-17 ng Abril 2016 sa Reina Regente Tennis Courts sa Tondo Manila. Apat na taon nang isinasagawa ang torneo na nagsisilbing qualifying tournament para sa Summer Universiade ng International University Sports Federation (FISU).
Sa panayam kay Tournament Director Antonio Quiza, nabanggit niya na mas pinalawig pa ang NSTC-Graham Chua Lim Classic. Narito ang mga pahayag ni Coach Tony.
1. Ano ang layunin ng 4th National Students Tennis Championship-Graham Chua Lim Classic ?
Ginagawa ang NSTC-Graham Chua Lim Classic para mahanap ang mga mag-aaral na tennis players na maaaring mag-represent ng Pilipinas sa ibang bansa.
2. Anu-ano ang maaring mapanalunan sa torneo ?
Mananalo ng medalya ang champion at ipapadala sa Taipei para sumali sa Summer Universiade ng FISU.
3. Sinu-sino angpuedeng sumali sa torneo ?
Lahat ng college students na 18-26 years old puede sumali.
4. Ilang colleges at universities ang tiyak nang sasali ?
Emilio Aguinaldo College (EAC), Lyceum University of the Philippines, Arellano University, Polytechnic University of the Philippines (PUP), Mapua Institute of Technology (MIT), at San Sebastian College. Ang bawat school ay binubuo ng 10-16 players for the men's and women's divisions.
5. Bakit dapat sumali ang pinakamagagaling na student-athletes sa NSTC-Graham Chua Lim Classic ?
Dapat sumali talaga sila para malaman natin kung sino talaga ang magaling. At yung magagaling talaga ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Summer Universiade.
6. Sinu-sino ang tumataguyod sa torneo ?
Sponsors namin ang Bestank, Megaworld at Longmarch Tyres. With the support of Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP) and FISU.
7. Do you expect na magiging successful ang 4th NSTC-Graham Chua Lim Classic ?
Oo dahil maraming participants mula sa iba't-ibang schools.At pinaghandaan namin talaga ito kaya expect namin na magiging matagumpay ito.
No comments:
Post a Comment