Thursday, September 9, 2010

PAGHARAP NI NOYNOY SA MEDIA : PARANG SA THE BUZZ O STARTALK LANG

Nakakadismaya ang pagharap at pagsagot ni P-Noy sa media upang linawin ang kanyang ginampanang papel sa hostage drama. Nang tanungin siya kung saan ba talaga siya nung nagaganap ang hostake-taking, nabanggit ni P-Noy na may nakakita pa raw sa kanya na nasa Tagaytay na kanyang pinasubalian. Imbes na tukuyin ang detalye nang kanyang kinaroroonan, nakuha pa niyang sagutin ang maling tsismis sa kanya. Sino ba naman ang nagsabi na nasa Tagaytay siya ? Para siyang isang starlet na sumagot sa isang walang kakwenta-kwentang tsismis.
Nang tanungin naman siya tungkol sa pananabon ng Tsina sa kanyang kawalan ng pagkilos sa kasagsagan ng hostage drama, sinabi ni P-Noy na di na lang niya pinansin ito. Ang lagay pala, ok lang sa kanya na ang isang presidente ay laitin at pagsabihan ng masasakit na salita ng isang opisyal ng isang karatig bansa. Mas minabuti niyang isawalang-bahala na lamang ang pang-iinsulto at pandidikta ng ibang opisyal.
Nang tanungin naman siya kung bakit di niya sinagot ang mga tawag ni Donald Tsang, buong ningning niyang sinabi na di siya sigurado kung sino nga ang tumatawag. Kung bakit kasi di na lang niya sinagot ang mga tawag para nalaman niya talaga kung sino ang tumatawag. At di niya ba nakita na ang tumalang numero ay galing sa Tsina ? Kahit ordinaryong mamamayan ba ay alam ang kanyang direktang linya ?
Tagumpay si P-Noy sa kanyang hangarin na maging transparent ang kanyang administrasyon. Malinaw na malinaw na walang direksyon, katinuan at tapang ang kanyang liderato.

No comments:

Post a Comment