Kamakailan, lumabas ang isang artikulo tungkol sa mga manlalaro ng U.P. men's basketball team. Sadyang nakakagulat na malaman sa pamamagitan ng artikulo na ang mga players pala ng U.P. ay di binibigyan ng kanilang allowance, pinapalayas sa kanilang tinutuluyan at di pinapakain. Naalala ko tuloy si Nora Aunor sa Atsay kung saan buong husay ginampanan ni Ate Guy ang isang katulong na inaapi at pinagmamalupitan ng kanyang amo.
Hindi ko maubos maisip na ang pagkalalaking mga tao ay kayang-kayang apihin sa loob mismo ng U.P. Parang mahirap paniwalaan na sila ay pinapalayas at ginugutom. Tulad ba sila ni Ate Guy sa Atsay na walang kakayahang ipagtanggol ang kanyang mga karapatan ? Nakakahiyang isipin na ang mga players na ito ay takot ipaglaban ang kanilang mga karapatan kung totoo man na sila ay inaapi. Habang ang kanilang mga kamag-aral ay itinataya ang buhay sa pakikipaglaban sa mga karapatan ng mga mamamayan, ang mga U.P. basketball players ay walang magawa kundi umiyak sa isang sulok. Balak yata talaga ng mga players na ito na talunin si Ate Guy sa mga acting awards.
No comments:
Post a Comment