Monday, September 20, 2010

ANO BA TALAGA ANG NANGYARI SA U.P. MEN'S BASKETBALL TEAM ?

Kamakailan, lumabas ang isang artikulo tungkol sa pagkasira ng programa sa basketball ng U.P. Bunsod ito nang nakakadismayang performance ng koponan sa nakaraang UAAP kung saan ni isang panalo ay walang naitala ang U.P..Ayon sa artikulo, ang mga players daw ay di binibigyan ng kanilang mga allowances, pinapalayas sa kanilang quarters at di pinapakain. Ayon pa rin sa artikulo, dahil sa mga nagaganap na di kanais-nais, napagpasiyahan daw ng ilang mga manlalaro na balak sumali sa U.P. na huwag nang sumali sa koponan sa susunod na taon. Kabilang sa mga manlalarong di na sasali sa koponan sina Keifer Ravena, 6-8 Nigerian Ifaeanyi Mbah at 6-5 Fil-Am Chris Ball. Subalit ayon kina Coach Boyet Fernandez at Elna Divino ng U.P. Alumni Association, mahirap paniwalaan ang mga nalathala.

Coach Boyet : As far as I know, binigay ng mga team managers ang lahat para sa mga players. Ako mismo ang makakapagpatunay na di nagkulang ang mga team managers sa suporta sa mga players. Ang alam ko, binigay yung food, allowances, board and lodging ng mga players dahil na rin sa mga team managers at alumni. May pagkain pa nga after every practice and even before and after each game sa dugout. Kaya imposible na ginugutom yung mga players.

Edna Divino : Hindi totoo na di binibigay yung allowance, pinalalayas sa quarters at di pinapakain yung mga players. In the first place, wala talagang allowance ang varsity players ng U.P.. Maswerte pa nga sila na meron silang natatanggap. Hindi ko alam kung paano at sino nagsimula ng mga maling kwento. As far as I know, the team managers did their best to support the team with the help of the alumni. Maraming dapat ipagpasalamat ang team sa mga team managers at alumni. In the coming days, the team managers will come out with an official statement. Hopefully, the truth will out.

1 comment:

  1. baka totoo tinatakpan lang ung gusot...heheh http://www.backpackman.blogspot.com

    ReplyDelete