Friday, May 27, 2016

2016 MERALCO STA. ROSA SPORTS TOURNAMENT, UMPISA NA




Opisyal na nagbukas ang 2016 Meralco Sta. Rosa Sports Tournament nitong ika-24 ng Mayo, 2016 sa Brgy. Dita, Sta. Rosa, Laguna. Labingwalong koponan ang pumarada sa pagsisimula ng torneo. Kabilang sa mga koponang sumali ay ang LAS/Noceja/Challenger, ACEC, Alegre, Security, MIESCOR, MLI-Fleet, Dyna-V, MLI-Facilities, Construction and Maintenance, SMS, Substation, CA/CBG-SME/Design, Operations, Umderground, Meter/SLEM, Calamba/San Pedro BC, Sub-transmission at SCADA/PSP/Relay.

Ayon sa Sports Chairman ng torneo na si Ruben Calderon, malaki ang expectactions niya sa torneo sa taong ito. Inaasahan niya na buong husay na maglalaro ang mga players upang mapakita ang kanilang galing at pagpapahalaga sa kanilang kalusugan. Ayon naman Kay Jose Dulin Jr. na manager ng Sta. Rosa Sector, inaasahan niya na bukod sa benepisyong pangkalusugan na makukuha ng mga players sa torneo, magtatanim rin ito ng mabuting pagsasamahan at pagkakaibigan sa pagitan ng mga mga empleyado at contractors ng Meralco. 

Nanalo sa unang laro ang SIT-V kontra SMS sa iskor na 63-50. Nagwagi naman ang DYNA-V laban South Logistics sa ikalawang laro.



No comments:

Post a Comment