Monday, November 16, 2015

MINSA'Y ISANG GAMU-GAMO

Nagulo ang mundo ng volleyball sa Pilipinas dahil sa kagagawan ng isang maimpluwensiyang tao. Kung kailan papaunlad na ang programa ng Philippine volleyball, biglang umeksena ang taong ito para madiskaril ang papaganda na sanang takbo ng volleyball sa Pilipinas.

Kasalukuyang namamayagpag ang taong ito. Subalit nakalimutan yata niya ang kanyang pagkakamali na nagawa nuong nakaraan ding taon. At ang kanyang pagkakamali ay dokumentado. Kalakip ang kanyang lagda sa mga dokumento.

Tiyak na mahihirapan ang maimpluwensiyang taong ito na ipaliwanag ang kanyang pagkakamali. Lalung-lalo na kung may isang tao na buong tapang na lilitaw upang isiwalat ang pagkakamali na magpapakita sa sambayanan ng kabuktutuan ng maimpluwensiyang taong ito.

Buo ang paniniwala ng inyong lingkod na may ilan pa ring Pilipino ang nagtataglay ng tapang at tamang paninindigan. May ilan pa ring Pilipino ang handang ipaglaban ang tama kahit maimpluwensiyang tao pa ang babanggain. Buo ang paniniwala ng inyong lingkod na matapang at magiting ang Pilipino sa gitna ng kabuktuktan ng lipunan na kaniyang ginagalawan. Kaya nananatiling puno ng pag-asa ang inyong lingkod na sasabog ang pagkakamali ng maimpluwensiyang tao na ito at mananaig ang katarungan.




No comments:

Post a Comment