Thursday, November 26, 2015

ISANG CHRISTMAS PARTY PARA SA MGA KAIBIGAN SA SOCIAL MEDIA

courtesy of zubeezone.com

Inaanyayahan ang lahat ng mga kaibigan ng Philippine Volleyball Federation (PVF) sa social media para sa isang masayang pagtitipon. Ang pagtitipon ay magsisilbing Christmas party ng mga kaibigan na walang sawang sumusuporta sa PVF. Nakatakdang ganapin ang Christmas party sa ikatlong linggo ng Disyembre.

Isang taon na tayong pinagbuklod ng mga kaganapan sa volleyball. Isang taon na tayo naging magkakaibigan dahil sa ating mga pinagdaanan at patuloy na pinagdadaanan. Kaya marapat lang na magkita-kita, magsaya at magbalitaan tayo.

May ilang players din ang dadalo para magdagdag saya sa ating pagtitipon. Simple lang ang ating magiging Christmas party para di mabigat sa bulsa. Ang mahalaga, magsama-sama tayo at mapagsaluhan ang saya ng Kapaskuhan at diwa ng tunay na pagkakaibigan.

Wow, Fantastic Baby.

No comments:

Post a Comment