Friday, December 12, 2014

ANG KASINUNGALINGAN NI ROMASANTA AT PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

courtesy of spin.ph


Nagkalaglagan sa POC 5-man committee. Ayon sa mapapagkatiwalaang source, tumawag si AVC Chairman at FIVB Philippine Representative Tats Suzara kay PVF President Karl Chan at tahasang inamin na walang utos mula sa FIVB at AVC na buwagin ang PVF at Philippine volleyball teams.

Sa ikinumpisal ni Suzara kay Chan, nabuko tuloy na nuknukan ng sinungaling si Romasanta at POC. Na kaya nilang gumawa at pangatawanan ang isang kasinungalingan para sirain ang isang NSA na tulad ng PVF. Na kaya nilang buwagin ang national teams sa pamamagitan ng kasinungalingan. Nalaman tuloy ng sambayanang Pilipino kung gaano kabulok si Romasanta at ang POC.

Sa nangyari, may maniniwala pa kaya kay Romasanta at sa POC ? May magtitiwala pa ba ngayon kay Romasanta at POC ? Marapat lamang magbitiw sa puwesto si Romasanta at lahat ng opisyal ng POC sa nangyari.

1 comment:

  1. Loko loko tong mga to e
    Mga pulitikong sinungaling.
    Panu tayo uunlad niyan, isipin niyo naman ang ikabubuti ng bansa.
    Kahit anung sulok ng pulitika talaga sports man o hindi, silaw sa pera at kapangyarihan, di mo naman madadala yan sa kabilang buhay. Kaya gumawa tayo ng mabuti.

    ReplyDelete