Friday, January 16, 2015

ISA PANG PALPAK NA HIRIT NG PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

courtesy of spin.ph


Halatang-halata na wala talagang intensiyon ang Philippine Olympic Committee na kilalanin ang Philippine Volleyball Federation. Matapos maayos ang sinasabing "gulo sa pamunuan" ng PVF, ang double registration naman ngayon ng PVF sa Securities and Exchange Commission ang pinupuntirya ng POC.

Sinasabi ng POC na dalawa ang articles of incorporation ng  PVF. Sinasabi rin ng POC na may dalawang grupo ng incorporators ang PVF. Kung nagtanong lang ang POC sa SEC, naiwasan sana ng POC na muling mapahiya sa publiko.

Sa totoo lang, ang sinasabing unang articles of incorporation ng PVF ay paso o revoked na. Ang pangalawang articles of incorporation ang pumalit sa paso ng articles of incorporation of 2005. At ang bagong articles of incorporation ang hawak nina PVF President Karl Chan at Sec-Gen Otie Camangian.

Kung tinanong lamang ng POC ang SEC, nalaman sana ni Romasanta na walang basehan ang kanyang inirereklamo ngayon laban sa PVF. Nalaman rin sana ni Romasanta at ng POC na mismong ang SEC ang nagsabi kina Chan at Camangian na i-register na lang muli ang PVF.

Subalit sadyang walang interes ang POC at si Romasanta na ilahad ang buong katotohanan. Ang nais lang ng POC at ni Romasanta ay maisakatuparan ang kanilang planong buwagin ang PVF. Nakalulungkot lamang isipin na walang pakundangan ang POC at si Romasanta sa paghahasik ng lagim. Sa huli, mismong ang mga atleta at fans ang kanilang pinahihirapan.


1 comment:

  1. uhaw na uhaw sa kapangyarihan itong si romasanta, hindi bagay sa kanya ang apelyido nya, santa sa roma hehe

    ReplyDelete