|
courtesy of twitter.com |
Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Philippine sports, isang grupo ng mga atleta ang tumanggi na maglaro para sa Philippine Olympic Committee dahil sa kawalan ng tiwala. Tahasang sinabi nina Alyssa Valdez, Ara Galang, Mika Reyes, Kim Fajardo, Dindin Santiago, Jaja Santiago, Aby Marano, Honeyrose Tubino at Ces Molina na hindi sila maglalaro para sa binubuong koponan ng POC na isasabak sana sa SEAG at U23 Asian Championships.
|
courtesy of wattpad.com |
Isang malaking sampal para sa pamunuan ng POC ang ginawang pagtanggi ng mga nabanggit na players. Di alam ng mga opisyal ng POC kung ano ang tumama sa kanila sa ginawang pagtanggi ng siyam na atleta. Marahil, umasa ang POC na matatakot ang mga atleta at hindi makakatanggi sa kanila. Marahil, hindi inasahan ng POC na maninindigan ang mga atleta.
|
courtesy of juice.ph |
Subalit, tulad ng nakakarami sa volleyball community, alam ng mga volleyball players na nabanggit ang totoong intensyon ng POC. Batid ng mga players kung sino talaga ang tunay na naghahangad ng ikauunlad ng volleyball sa Pilipinas. Alam ng mga players kung sino talaga ang nasa tama. At higit sa lahat, alam ng mga players kung sino ang gumagawa lang ng gulo.
No comments:
Post a Comment