Monday, January 26, 2015

ANG PATULOY NA PAGLUBOG NG PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE SA KUMUNOY

Dalawang buwan matapos magsumbong na parang mga bata sina Peping Cojuangco, Joey Romasanta, Tats Suzara at Ricky Palou sa ilang opisyal ng Asian Volleyball Confederation at FIVB, wala pa ring naisasakatuparan ang grupo ng alin man sa kanilang hangarin.

Hindi pa rin nabubuwag ng Philippine Olympic Camote este Committee ang Philippine Volleyball Federation, di pa rin naitatayo ang bagong volleyball federation na papalit sa PVF at wala pa ring koponan na nabubuo ang POC na maipapadala sa SEAG.

Marahil, hindi inasahan ng POC ang matinding pagkakaisa ng volleyball community sa bansa. Sa sobrang pagkakaisa, hirap na hirap ang POC na makakuha ng isa man lang manlalaro para sa kanilang koponan. At nananatiling isa sa pinakamumuhiang private entity ang POC sa kasalukuyan.

Sa matagumpay na pagsasagawa ng PVF ng General Assembly nitong Linggo, puwersadong sumagot ang POC ng pagkilos. Kailanganng masira ng POC ang katiwasayang natamo ng PVF sa pagsasagawa ng GA. Kailangang masira ng POC ang galing na ipinapakita ng liderato nina Karl Chan at Otie Camangian sa gitna ng panggigipit na nagmumula sa POC.

Ano kaya ang susunod na hakbang ng Philippine Olympic Camote este Committee ?

Abangan natin.

No comments:

Post a Comment