Friday, January 30, 2015

THE TREACHERY OF PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

Last Jan. 19, 2015, a highly-placed source said that PVF and POC officials met to discuss several important issues. In the said meeting, officials from both parties agreed on three key points. These include the following :

1. The national teams formed by PVF will be respected and supported by POC ( as per PLDT approval ).

2. A status quo within PVF will be observed.

3. A ceasefire in media will be enforced by POC and PVF.

Unfortunately, a day later, Jan. 20, 2015, POC, behind PVF's back, decided to do a U-turn and wrote to FIVB to promote its own agenda.

Is POC then worthy of the trust and confidence of the entire volleyball community ?

Monday, January 26, 2015

ANG PATULOY NA PAGLUBOG NG PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE SA KUMUNOY

Dalawang buwan matapos magsumbong na parang mga bata sina Peping Cojuangco, Joey Romasanta, Tats Suzara at Ricky Palou sa ilang opisyal ng Asian Volleyball Confederation at FIVB, wala pa ring naisasakatuparan ang grupo ng alin man sa kanilang hangarin.

Hindi pa rin nabubuwag ng Philippine Olympic Camote este Committee ang Philippine Volleyball Federation, di pa rin naitatayo ang bagong volleyball federation na papalit sa PVF at wala pa ring koponan na nabubuo ang POC na maipapadala sa SEAG.

Marahil, hindi inasahan ng POC ang matinding pagkakaisa ng volleyball community sa bansa. Sa sobrang pagkakaisa, hirap na hirap ang POC na makakuha ng isa man lang manlalaro para sa kanilang koponan. At nananatiling isa sa pinakamumuhiang private entity ang POC sa kasalukuyan.

Sa matagumpay na pagsasagawa ng PVF ng General Assembly nitong Linggo, puwersadong sumagot ang POC ng pagkilos. Kailanganng masira ng POC ang katiwasayang natamo ng PVF sa pagsasagawa ng GA. Kailangang masira ng POC ang galing na ipinapakita ng liderato nina Karl Chan at Otie Camangian sa gitna ng panggigipit na nagmumula sa POC.

Ano kaya ang susunod na hakbang ng Philippine Olympic Camote este Committee ?

Abangan natin.

Monday, January 19, 2015

ANG SEC REGISTRATION PAPERS NG PVF : ANO NGAYON, POC ?

Habang ako'y palaboy-laboy sa Ortigas, natuon ang aking pansin sa gusali ng Securities and Exchange Commission. Bigla kong naalala ang reklamo ng Philippine Olympic Committee laban sa Philippine Volleyball Federation hinggil sa double registration duimano ng volleyball federation sa SEC. Napagpasiyahan kong sadyain na ang SEC para malaman ang katotohanan.

Ang mga sumusunod na dokumento ay ilan lamang sa aking nakalap :





Malinaw na ang 2005 SEC registration ng PVF ay paso o revoked na. Nakasaad sa dokumento na galing mismo sa SEC na hindi nakapag-file ang PVF ng General Information Sheet nuong taong 2006-2010 at Financial Statement nuong 200-2010. Kaya na-revoke ang registration ng PVF nuon pang Jan. 28, 2013.

Malinaw rin na walang kaso ang bagong SEC registration ng PVF dahil revoked na nga ang una nitong registration. Kaya, walang basehan ang pinangangalandakan ng POC na dalawa ang articles of incorporation ng PVF. Isa lang ang articles of incorporation ng PVF dahil walang bisa na yung nauna.

Ngayon, ano pa ang masasabi ng POC ? Maghahanap na naman ba ang POC ng bagong isyung ipupukol sa PVF. ?

Kailangan pa bang imemorize yan ?

Friday, January 16, 2015

ISA PANG PALPAK NA HIRIT NG PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

courtesy of spin.ph


Halatang-halata na wala talagang intensiyon ang Philippine Olympic Committee na kilalanin ang Philippine Volleyball Federation. Matapos maayos ang sinasabing "gulo sa pamunuan" ng PVF, ang double registration naman ngayon ng PVF sa Securities and Exchange Commission ang pinupuntirya ng POC.

Sinasabi ng POC na dalawa ang articles of incorporation ng  PVF. Sinasabi rin ng POC na may dalawang grupo ng incorporators ang PVF. Kung nagtanong lang ang POC sa SEC, naiwasan sana ng POC na muling mapahiya sa publiko.

Sa totoo lang, ang sinasabing unang articles of incorporation ng PVF ay paso o revoked na. Ang pangalawang articles of incorporation ang pumalit sa paso ng articles of incorporation of 2005. At ang bagong articles of incorporation ang hawak nina PVF President Karl Chan at Sec-Gen Otie Camangian.

Kung tinanong lamang ng POC ang SEC, nalaman sana ni Romasanta na walang basehan ang kanyang inirereklamo ngayon laban sa PVF. Nalaman rin sana ni Romasanta at ng POC na mismong ang SEC ang nagsabi kina Chan at Camangian na i-register na lang muli ang PVF.

Subalit sadyang walang interes ang POC at si Romasanta na ilahad ang buong katotohanan. Ang nais lang ng POC at ni Romasanta ay maisakatuparan ang kanilang planong buwagin ang PVF. Nakalulungkot lamang isipin na walang pakundangan ang POC at si Romasanta sa paghahasik ng lagim. Sa huli, mismong ang mga atleta at fans ang kanilang pinahihirapan.


Thursday, January 15, 2015

THE IGNORANCE OF POC VICE-PRESIDENT JOEY ROMASANTA

courtesy of youtube.com


If PVF is efficient as what they project in social media, why are we not competing in the SEAG for the past 10 years ? - POC 1st Vice-President Joey Romasanta

The statement above clearly reveals that POC 1st Vice-President Joey Romasanta does not know anything about Philippine volleyball. To set the record straight, the Philippine Volleyball Federation had teams in 2007 for the SEAG. But the POC-PSC task force denied the teams' participation. In 2009, PVF again had teams available for the SEAG. In fact, the Philippines even hosted the biggest volleyball event in Asia for men. But POC and PSC once again refused to send the teams. The same thing happened in 2011 and 2013.

So to say that PVF did not have teams available for the SEAG is a blatant lie. For such a lie to come out of the mouth of a high-ranking sports official is simply disturbing and unforgivable.

Is Romasanta then the person who deserves to lead Philippine volleyball ?

Monday, January 12, 2015

ANO BA TALAGA, POC ?

Kapandin-pansin ang pabago-bagong deklarasyon ni POC Vice President Joey Romasanta hinggil sa mandatong bumuo ang POC ng pambansang koponan para sa women's volleyball.  Nung una, buong ningning na sinasabi ni Romasanta na may basbas ng AVC at FIVB ang pagbuo ng POC ng women's volleyball team (see report http://www.abs-cbnnews.com/sports/01/05/15/poc-dissolves-natl-volleyball-team-new-tryouts-set), Ngayon, sa pinakahuli niyang panayam, si Peping Cojuangco na lang ang itinuturo niyang nagbigay sa kanya ng mandato na bumuo ng koponan na isasabak sa SEAG at U23 Asian Championships (see report http://rivals.ph/volleyball/national-team/2015/01/12/20503/joey-romasanta-philippine-volleyball/)..

Hindi ko maiwasang magtanong. May basbas ba talaga ng AVC at FIVB ang pagbuo ng POC ng isang volleyball team na kakatawan sa Pilipinas ?

Kapansin-pansin rin na hanggang ngayon, di mailabas-labas ng POC at ni Romasanta ang sulat na sinasabi nilang galing sa FIVB (see report http://www.mb.com.ph/poc-takes-over-volleyball/), Kung totoo na may direktiba nga ang FIVB sa POC na gumawa ng iba't-ibang hakbang, bakit hindi nila maisapubliko ang nasabing direktiba ? Hindi kaya niloloko lang tayo ng POC ?

Nagtatanong lang po.

Sunday, January 11, 2015

ANG KAHANGA-HANGANG PAGTANGGI NG MGA VOLLEYBALL PLAYERS SA POC

courtesy of twitter.com
Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Philippine sports, isang grupo ng mga atleta ang tumanggi na maglaro para sa Philippine Olympic Committee dahil sa kawalan ng tiwala. Tahasang sinabi nina Alyssa Valdez, Ara Galang, Mika Reyes, Kim Fajardo, Dindin Santiago, Jaja Santiago, Aby Marano, Honeyrose Tubino at Ces Molina na hindi sila maglalaro para sa binubuong koponan ng POC na isasabak sana sa SEAG at U23 Asian Championships.

courtesy of wattpad.com

Isang malaking sampal para sa pamunuan ng POC ang ginawang pagtanggi ng mga nabanggit na players.  Di alam ng mga opisyal ng POC kung ano ang tumama sa kanila sa ginawang pagtanggi ng siyam na atleta. Marahil, umasa ang POC na matatakot ang mga atleta at hindi makakatanggi sa kanila. Marahil, hindi inasahan ng POC na maninindigan ang mga atleta.

courtesy of juice.ph

Subalit, tulad ng nakakarami sa volleyball community, alam ng mga volleyball players na nabanggit ang totoong intensyon ng POC. Batid ng mga players kung sino talaga ang tunay na naghahangad ng ikauunlad ng volleyball sa Pilipinas. Alam ng mga players kung sino talaga ang nasa tama. At higit sa lahat, alam ng mga players kung sino ang gumagawa lang ng gulo.


Wednesday, January 7, 2015

ANG MGA CAYETANO, SI TATS SUZARA AT POC-PVF CONFLICT

May isasagawang congressional inquiry si Rep. Lino Cayetano hinggil sa panggigipit at pangugulo ng Philippine Olympic Committee sa Philippine Volleyball Federation.

Dapat sana ay matuwa ako sa pagtulong ni Rep. Lino Cayetano sa volleyball. Subalit may nakapagsabi sa akin na malapit na kaibigan ng mga Cayetano si Tats Suzara. Matatandaan na si Tats Suzara ang naging tulay upang makapagsumbong ng kung anu-ano sina Peping Cojuangco at Joey Romasanta sa mga opisyal ng AVC. Nangangamba ako na gagamitin lang ni Cayetano ang kongreso upang linisin ang pangalan ni Suzara. Kailangan na kailangan ni Suzara na bumango sa publiko matapos maging pangunahing tauhan sa panggugulo ng POC sa PVF. At si Rep. Cayetano at ang kongreso ay maganda at epektibong panlinis ng pangalan niya.

Naging malawak rin ang aking karanasan sa kampo ni Sen. Pia Cayetano nuong nagkaroon ng problema ang Philippine Dragon Team sa POC. Nangako si Sen. Cayetano at kanyang staff na hindi pababayaan ang Philippine Dragon Boat. Subalit ang kanilang pangako ay napako. Napalayas sa Rizal Memorial grounds ang Philippine Dragon Boat Team. Sa kangkungan ngayon ang koponan na naghatid sa bansa ng sandamukal na karangalan.

Kaya kung umaasa pa ang mga volleyball fans na mareresolba ang problema ng PVF sa POC sa pamamagitan ng mga Cayetano, tiyak akong mabibigo lang sila. Nasa kamay pa rin ng mga volleyball fans ang tunay na ikapapanalo ng Philippine volleyball.