Saturday, August 30, 2014

NAGPAKITANG-GILAS ANG GILAS PILIPINAS PERO ....

courtesy of banderainquirer



Sadyang nagpakitang-gilas ang Gilas Pilipinas sa una nitong laro sa FIBA World Cup na ginaganap sa Spain. Halos manalo ang pambansang koponan ng Pilipinas laban sa kinatatakutang Croatia, 81-78. Kinailangan pa ng Croatia ng extra time para tuluyang pataubin ang Gilas.

Kahanga-hanga ang naging laro ng mga Pilipinong Gilas players sa pangunguna ni Jeff Chan na kumada ng 17 points. Sina Alapag, Tenorio at Castro ay nagmando nang tama sa buong laro. Maging sina Marc Pingris at Junemar Fajardo ay bigay-todo at buong tapang sa paglalaro.

Ang nakakapagtaka lamang ay inilaan ni Coach Chot Reyes ang pinakamalaking papuri para kay Andray Blatche. Bagamat naka-iskor ng crucial na three pointer ang Gilas naturalized player, naging kalat ang laro niya sa kabuuan. Maraming tira ang mintis at ilang turnovers din ang ginawa ni Blatche. Hindi siya naglaro bilang dominating center na siya pa namang kailangan ng koponan.

Kung ibang naturalized player ang naglaro, baka nanalo pa ang Gilas Pilipinas. Matauhan na sana si Coach Chot na hindi Kobe Bryant, Lebron James o Michael Jordan si Blatche na tulad ng pinapalagay niya.

No comments:

Post a Comment