1. Bakit naisipan ng PLDT na isagawa ang Gilas Last Home Stand ?
2. Napagsabihan ba si MVP o PLDT na hindi binigyan ng NBA ang East West Private ng permit para magsagawa ng exhibition game sa Manila ?
3. Napagsabihan rin ba si MVP o PLDT na hindi nabigyan ang East West Private ng permit para magsagawa ng isang charity event ?
4. Paano nalaman ni MVP at PLDT na hindi puedeng magtanghal ng isang full on game sa Gilas Last Home Stand ?
5. Bakit kinailangan na itulad ang charity event ng PLDT sa ibang charity events na pinayagan ng NBA sa Amerika ?
6. Bakit itinuloy pa rin ng PLDT ang pagtatanghal gayung makailang beses nang hindi binigyan ng pahintulot ang East West na magsagawa ng kung ano mang event ?
7. Ano ang naging papel ni Coach Chot Reyes sa kaguluhang naganap ?
8. Bakit ipinaubaya ni MVP at PLDT ang isang malaking event ng tulad ng Gilas Last Home Stand sa East West Private nang buong-buo ?
9. Idedemanda ba ng PLDT ang East West Private sa naganap na bulilyaso ?
10. Ano ang mahalagang aral ang natutunan ng PLDT sa nangyari ?
11. Magtatangka pa ba ang PLDT sa pamumuno ni MVP na magparating pa ng NBA players para sa isang exhibition game o charity event ?
Hangad ko sanang matuldukan na ang isyu ng Gilas Last Home Stand sa pamamagitan ng isang masinsinang panayam. Subalit minabuti ng PLDT Public Affairs na iwang walang katiyakang sagot ang ilang mahahalagang katanungan. Gayun pa man, naniniwala akong lalabas rin ang katotohanan hinggil sa "charity event" na sadyang nagpakulo ng dugo ng maraming basketball fans.
No comments:
Post a Comment