Saturday, August 16, 2014

SI MVP AT MGA FILIPINO SPORTS WRITERS SA GITNA NG GULO NG GILAS LAST HOME STAND

Lahat ng sports writers ay inaabswelto si PLDT President Manny V. Pangilinan sa ano mang pagkakasala sa naganap na kapalpakan sa Gilas Last Home Stand. Lahat ay nagpapalagay na itinago kay MVP na walang pahintulot mula sa NBA ang pagsasagawa ng clinic o charity event sa Pilipinas na kasama ang ilang NBA players.

Sa presscon na ginanap matapos ang Gilas Pilipinas Last Home Stand, sinabi ni MVP na sadyang walang laro na magaganap sa event. Na isang clinic talaga ang nasabing event. Nangangahulugan lamang na alam niya na walang permit ang kanilang grupo para magsagawa ng isang full-on game (basahin http://www.gmanetwork.com/news/story/371614/sports/opinion/commentary-wais-moves-led-to-gilas-vs-nba-cancellation-fiasco). Inamin din ni MVP na itinulad nila ang kanilang charity event sa mga events sa Amerika na pinapayagan ng NBA (basahin http://www.spin.ph/sports/basketball/news/third-party-agency-admits-nba-declined-request-for-sanction-gilas-event-as-early-as-april). Walang dahilan para itulad pa ang Gilas Last Home Stand sa mga events sa Amerika kung ito ay may permit o sanction. Samakatwid, alam din ni MVP na maging para sa isang charity event, wala silang nakuhang permit. Idagdag pa rito ang pahayag ni Maria Espaldon, East West Private president, na inayon nila ang kanilang event sa mga unsanctioned events na pangkaraniwang ginagawa sa Amerika kahit sa mga pipitsuging basketball courts.

Ngayon, masasabi ba na walang kaalam-alam ang PLDT president sa tunay na kalagayan at katayuan ng Gilas Last Home Stand  ilang buwan bago ang araw ng pagtatanghal nito ? Tama ba ang mga sports writers sa mga nilalabas nilang artikulo na itinago ng promoter kay MVP ang mahahalagang detalye ?

Ano ang iyong palagay ?

Hindi ako mapalagay.

No comments:

Post a Comment