Nung February 2013, nag isyu ang POC ng tig-iisang attendance signature card sa mga atleta at coach para ma-monitor ang pag-attend sa First Friday Masses sa ULTRA.
Sabi sa amin na lahat ng makaka-kumpleto ng attendance mula February hanggang sa katapusan ng taon ay tatanggap ng incentive na PHP 10,000. Kaya kami naman dali-daling nag-comply! Buwan-buwan nagpapa-pirma kami kay Ate Jen sa registration table, at nilalagdaan din namin ang attendance sheet nila.
Pagdating ng November, nag-announce na wala na daw mass sa December, kaya ipinapasa na sa mga nakakumpleto ang "mass attendance cards" namin para sa pag-award ng pinangakong incentive.
Ang dami namin na nakakumpleto ng attendance! Ang dami nilang bibigyan ng PHP 10,000 each! Kaya lang isa-isa kaming naka-tanggap ng tawag mula kay Ma'am Lisa ng POC. May mga problema pa daw na kinakailangan linawin.
- Kapag may isang kulang ang pirma sa attendance sheet nila, hindi na valid.
- Kapag may naiba na pirma sa attendance sheet nila, hindi na valid.
Pangalawa, hindi iyon ang napag-usapan na incentives nung simula ng taon.
Pangatlo, sa isang Katoliko, hindi maaari tumanggap ng Komunyon kapag hindi pa nakakapag kumpisal.
At saka, hindi lahat ng atleta at coach ay Katoliko at puwede tumanggap ng Komunyon.
Maliban sa pag-suhol sa mga Katoliko na mangomunyon, nakaramdam din ng religious na diskriminasyon ang mga hindi Katoliko.
Mali sa ano mang anggulo tignan.
No comments:
Post a Comment