Tulad ng iba, gumawa rin ako ng Christmas wish list. Subalit ang aking ginawang listahan ay patungkol lamang sa palakasan. Narito ang aking listahan :
1. POC President Peping Cojuangco - Magkaroon ng delicadeza at magresign na. Ipaubaya na niya ang kanyang posisyon sa mas bata at may kakayanang iangat ang kalagayan ng palakasan sa bansa.
2. PSC Chairman Richie Garcia - Magkaroon ng paninindigan at tapang.
3. Smart Gilas Pilipinas - Patuloy na umani ng tagumpay. Wag sanang yumabang ang pamunuan ng koponan.
4. PBA - Patuloy na kumita at gawin na akong miyembro ng PBA Press Corps para maiboto ko sina Terrence Romeo bilang Rookie of the Year at Sol Mercado bilang MVP.
5. PCKF President Jonne Go at head coach Len Escollante- Umalis na sa puwesto at umamin na sa kanilang mga kamalian.
6. Philippine Dragon Boat Team - Makabalik na bilang national athletes at makapagpatuloy sa pagbigay ng karangalan sa bansa.
7. Philippine Women's Volleyball Team - Mabuo na at makapagsimula nang lumaban nang tuluy-tuloy sa international competitions.
8. Alyssa Valdez - Sumali na sa Philippine team nang mapakinabangan ng bansa ang kanyang galing sa volleyball.
9. Philippine Athletics team - Patuloy na umani ng tagumpay sa pamamagitan ng mga bago at batang mga atleta.
10. Philippine Azkals - Magpakatino na para di na madawit sa mga kontrobersiya. Magsanay nang husto nang manalo na. Iwasan ang masyadong pagpapaporma at pagsho-showbiz.
11. Dan Palami - Disiplinahin ang kanyang mga Azkals at wag kunsintihin ang mga mali.
12. Coach Weiss - Pagalingin ang Azkals at di puro salita lamang sa harap ng media.
13. Sen. Pia Cayetano - Gumawa ng mga konkretong aksyon sa Philippine sports at di panay salita lamang. Wala siyang nagawa para sa Philipppine Dragon Boat team sa kabila ng ingay na ginawa niya sa senate hearings. Ni hindi niya napigilan sina Cojuangco at Garcia sa pagpapatupad ng mga maling patakaran hinggil sa pagpapadala ng mga atleta sa SEAG.
14. Sen Antoni Trillanes IV - Magpatuloy sana sa pakikipaglaban kay Peping Cojuangco.
15. Boyet Fernandez - Manalo pa ng isang trak na championships para sa San Beda Red Lions at NLEX Road warriors. Isa si Coach Boyet sa pinakamabait at pinakamagaling na coaches para sa basketball sa bansa.
16. Terrence Romeo - Patuloy na maging mapagkumbaba at manalo ng Rookie of the Year.
17. Sol Mercado - Manalo na sa wakas ng MVP.
18. Greg Slaughter - Maging mabait sa Ginebra at iwasang maging sakit ng ulo ng team.
19. Globalport - Patuloy na gumanda ang performance sa PBA. Patuloy sana maging mabait ang koponan sa lahat ng tao. At matalo na ng koponan ang Ginebra bilang crowd favorite.
20. President Noynoy Aquino - Pagtuunan sana niya ng pansin ang nakakadismayang kalagayan ng palakasan sa bansa. Tanggalin na sana niya sa POC at PSC ang dapat tanggalin.
Maligayang Pasko sa inyong lahat !
No comments:
Post a Comment