Wednesday, December 4, 2013

ANG MALING LIQUIDATION NINA PCKF JONNE GO AT HEAD COACH LEN ESCOLLANTE

Upang patunayan na natanggap nga ng mga atleta at coaches ng Philippine national dragon boat team ang kanilang $480 allowance, naglabas sina PCKF President Jonne Go at head coach Len Escollante ng isang liquidation. Pirmado ng mga atleta at coaches ang nasabing dokumento na nagsasaad na natanggap ng bawat isa ang $480. Nakapirma sina Go, Escollante at PCKF treasurer Teresita Uy bilang witnesses.

Kapansin-pansin na may salungguhit ang halagang $480 sa liquidation. Ginawa marahil ito para bigyan-diin ang halagang natanggap ng bawat miyembro ng koponan. Subalit ito ang pinakamalaking kamalian ng nasabing liquidation.

Ang PSC ay hindi naglabas ng dolyar sa pagsali ng Philippine national dragon boat team sa World Championship sa Italy. Ang katumbas na halaga sa piso ang siyang inilabas ng PSC. Ayon sa PSC Board Resolution Nos. 439(C)-2012 at 234(B)-2013, ang kabuuang halaga na inilabas ng PSC para sa allowance ng mga atleta at coaches ay Php549,120.00 o Php21,120.00 bawat atleta o coach. Kaya, bakit sinulat nina Go, Escollante at Uy ang halagang $480 at pinapirmahan pa ito sa buong koponan ? Imposibleng makatanggap ng $480 ang bawat miyembro ng koponan dahil hindi naman naglabas ng dolyar ang PSC.

Dahil dito, maaaring ipa-walang saysay ang nasabing liquidation. Ang ebidensiya ng PCKF na magtatanggol kina Go at Escollante ay siya pang magdidiin sa dalawa sa kapahamakan.

Ang pinakamatinding rebelasyon sa liquidation na ito ay ang kakayahan nina Go at Escollante na papirmahin ang mga atleta at coaches sa isang dokumento na mali. Ilan pa kayang dokumento ang pinapirmahan nina Go at Escollante sa mga atleta at coaches ang mali at walang katotohanan ?

No comments:

Post a Comment