Monday, January 3, 2011

BAKIT KAYO GALIT NA GALIT , SIR ?

Umabot sa akin ang balitang galit na galit sa akin ang isang opisyal ng PBA. Nagalit daw sa akin ang opisyal sa sinulat kong pagtanggi niyang makapanayam ko ang kanyang mga manlalaro sa PBA. Hinanap ako sa aking pinagsusulatan at maging sa PBA Press Corps ay hinagilap rin ako.
Nagtataka ako kung bakit galit na galit ang naturang PBA official. Di ba't siya mismo ang nagpasiyang di payagang magsalita ang kanyang mga manlalaro sa akin ? Di ba't siya ang di nagpaunlak sa interview kahit ito'y nangangailangan lamang nang dalawang minuto para maisagawa ? Di ba't totoo naman ang lahat nang aking sinulat sa nangyari ?
Ang hirap yata sa naturang opisyal ay sanay lamang siya na puro papuri lamang para sa kanya at kanyang koponan ang nababasa. Marahil, sanay lamang ang opisyal sa mga manunulat na tango lang nang tango sa bawat naisin niya. Ngayong may naglakas - loob na tumuligsa sa kanya, parang bulkan siyang sumabog sa sobrang galit.
Marahil, di naisip ng opisyal na baka ang naudlot na interview ang magpapakain sa akin. Na baka ang interview na yun ang magiging pamatid - gutom ko. Na ang kikitain ko sa pagsusulat nang interview na yun ang magdadala ng pagkain sa aming hapag - kaininan.
Sana lang, mas maging maunawain at mapagmalasakit ang opisyal ng PBA. Tutal, ang mga fans at sports writers din naman ang malaki ang naitutulong upang patuloy na mamayagpag ang kanyang koponan.

13 comments:

  1. kawawang efd, mawawalan na ng hanapbuhay...hehehe...yan kse masyadong madaldal...di marunong kumilatis ng kalalabanin...
    EFD you're fired...peace..hehe

    ReplyDelete
  2. dear anonymous,
    tinanong ko ang aking editor kung ako ay tatanggalin sa trabaho. sinabi niya naman na hindi naman. dapat nga matuwa ka anonymous sa akin dahil ako ay di duwag. lumalaban kahit sa mga makapangyarihan. ang ipinaglalaban ko ay di laban ang aking kapakanan. ginagawa ko ito para ang iba pang maliliit na manunulat ay di kakayankayanin ng mga makapangyarihan. tutal, hinahamon ninyo pa rin ako, eh di ituloy ko na laban. di ko kayo tatantanan.

    ReplyDelete
  3. kung gusto mo po follow me... follow din kita ok so that maging mgkapitbahay tayo hehhehe

    ReplyDelete
  4. walang masama sa pagsasabi ng katotohanan, kung may umaray man, sapul

    dumaan po ang tambay at nag iwan ng bakas.. mapasyal ka din sana sa aking munting bahay...

    ccchhheeerrrrzzzzzzz

    ReplyDelete
  5. mayabang ka kasing kupaL ka.
    one-sided ang mga posts mo.

    ReplyDelete
  6. dear efd hater,
    salamat sa pagbasa ng aking blog.
    ang mayabang sa akin ay yung tumawag sa pba at tabloid para mapagsabihan lang ako. ipinapakita na sila ay may kapangyarihan para manindak at magpatahimik ng isang taong nagsasabi lang nang totoo.

    ReplyDelete
  7. ikaw ba naman, ilang post mo puro paninira sa player ang sinulat mo, natural di ka papayagang interbyuhin yung player na binabadmouth mo! ungas ka palang writer ka e! tapos rerekla-reklamo ka na di ka pinaunlakan sa interbyu, ugok!

    ReplyDelete
  8. dear efd hater,
    thanks for reading my blog.
    you can ask the bmeg people that i did not want to get any statement from james yap. mas gusto ko makakuha ng statement from other players who i know will speak from the heart. if the good governor flatly said na he chooses not to allow his players to give an interview because of my past posts, e di ok. walang problema yun. after all, madami pang iba dyan. ang pangit lang kasi, he never told the reason why he's not allowing his players to issue a statement. basta ayaw niya lang, tapos. i have been professional in my transactions with the team. i expected them to do the same. the poor secretaries, who i must add, were just so nice to deal with, were hard-pressed to come up with an excuse.

    ReplyDelete
  9. nagtataka ka pa kung bakit ayaw pa interview?
    tsk tsk.
    sentido-komon, brod.

    ReplyDelete
  10. @efd

    para ka ding si kris aquino agaw pansin ka din,
    wala ka sa showbiz sir para i blind item ang isa sa mga pangalan sa PBA, if you are doing your job, learned to respect those people, hindi yung hindi ka lang napagbigyan kung ano ano na sinasabi mo, totoo man o hindi, you should not act like that!

    ReplyDelete
  11. efd said...

    ...you can ask the bmeg people that i did not want to get any statement from james yap. mas gusto ko makakuha ng statement from other players who i know will speak from the heart...

    hindi mo balak iinterbyuhin? e ano to: http://efd-thenonconformist.blogspot.com/2010/12/james-yap-no-holds-barred.html
    ugok ka talaga!

    ReplyDelete
  12. dear efd hater din,
    thank you for reading my blog.
    i have proof that i told alvin patrimonio that i wanted to interview james yap. but after not getting a response, it occured to me that it is useless to seek an interview with him. so when i decide to interview any bmeg player for Bandera's christmas issue, i was sure that james yap had no place in my column.
    keep reading.

    ReplyDelete