Naitala ng Ginebra ang ika - limang sunud na panalo kontra Alaka nitong Linggo. Ngunit di tulad ng mga iba nitong panalo, dumaan muna sa butas ng karayom ang Ginebra para makuha ang panalo. May mga pagkakataon pa nga na lumamang ang Alaska. Sa bandang huli na lang bumawi ang Ginebra sa maganda nitong depensa at pasahan upang maisalba ang panalo.
Tulad nang dati, umasa ang Ginebra sa kanyang mga gwardiya. Maganda ang ipinakita nina Willie Miller, Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand at maging si Jimbo Aquino. Nakatulong rin ng malaki sina Enrico Villanueva, Rudy Hatfield at Willie Wilson. Bakas ang teamwork na bahagi na ngayon ng koponan.
Subalit ang talagang nagpanalo sa team ay walang iba kundi si Willie Miller. Sa kabila ng malas na dinanas niya sa first half, bumawi si Willie sa second half upang pagharian ang pagbulusok ng Ginebra. Ang kagandahan sa laro ni Willie Miller ay ang kakayahan niyang maipanalo ang koponan kahit na di siya gaano kaswerte sa pagtala ng mga puntos. Nakakagawa siya ng paraan upang dalhin ang kanyang koponan sa panalo. Para sa akin, walang malas o swerte kay Willie Miller. Kaya naman, willing - wili ako kay Willie Miller.
I hope in his good showing lately, mabura ang mga opinion ng iba na nagbebenta siya ng laro. Eat your heart out oh ye of little faith!! Good luck sa mga susunod na games GINEBRA...
ReplyDeleteI agree with the blogger that even though Willie can't find his shots he still manages to help the team win. He was a big factor when he was with Alaska. He led the said team to two (2) straight Philippine Cup appearances. Now that he is gone with Alaska, JDV took his place but it seems it is still not enough. Willie is different, he led that team in all departments. Now that Willie is with BGK, he brought to this team his leadership and intensity and they are also starting to jell that is why they have posted their 5th straight win.
ReplyDeleteRoberto Suarez