Friday, November 19, 2010

RUSTICO TORRECAMPO UNEDITED

Rustico Torrecampo, the first boxer to knockout Manny Pacquioa, is set to stage a comeback. The boxer whose life turned for the worse after knocking out Pacquiao, hopes to reclaim his rightful place in Philippine boxing at the past prime age of 38. In an exclusive interview, Torrecampo and his manager, Lito Navarro, reveal their thoughts on issues confronting them.

1. Paano po nagkrus ang landas ninyo ni Torrecampo ?
Navarro : Ipinakilala siya sa akin ng isang boksingero rin. Nagpakilala siya bilang boksingero na nagpatumba kay Manny Pacquiao. Kinumbinsi ko siya na magbalik sa boksing. Pumayag naman siya. Pero nung pumunta kami sa GAB, sinabihan kami na di na puede ang boksingero ko. May limit daw sa edad. Hanggang 35 years old lang daw. Pero nakiusap ako sa GAB, na kung puede kaming pagbigyan. Pumayag naman. Nag-set sila ng sparring match. Matapos ang sparring match at isang buwan, sinabihan kami na maghanda na sa isang laban sa January 2011. Sa ngayon, kumpleto na rin ang medical requirements namin na hinihingi ng GAB. Binigay na namin pati CT Scan dahil nga past 35 years old na ang boksingero ko.

2. What's the most difficult part of being Torrecampo's manager ?
Navarro : Ang pinakamahirap ay yung halos walang maniwala sa amin. Ang akala nga nang karamihan, tanga ako para humawak pa ng isang boksingero na ang edad ay 38 na. Pero nakita ko ang sipag at tiyaga ng boksingero ko sa training. Talo pa niya yung mga batang boksingero. Wala siyang reklamo at palya sa ensayo. Nandun yung determinasyon niyang makabalik sa ring. Buo ang loob niya na pagbutihin ang second chance na binigay sa kanya sa boxing.

3. Ano po ang nais ninyong patunayan sa paghawak po ninyo kay Torrecampo ?
Navarro : Ang hangad ko eh yung mapakita na maraming Pilipinong boksingero ang magagaling na di lang nabibigyan ng pagkakataon. Na kung bibigyan lang ng pagkakataon, makakaahon sila sa hirap.

4. Bilang boksingero, ano po nararamdaman ninyo na may isa pang taong naniniwala sa inyo sa katauhan po ng inyong manager na si Lito Navarro ?
Torrecampo : Natutuwa ako at nagpapasalamat. Sa kabila ng mga nangyari sa akin at sa edad kong 38, nagtitiwala pa rin si Kuya Lito sa akin bilang boksingero. Kaya ipinapakita ko rin sa kanya ang pagiging seryoso ko sa training. Lalo akong nagsisipag sa training.

5. Ano naman po masasabi ninyo sa mga tao na di naniniwala sa inyong kakayahang makabalik sa ring ?
Torrecampo : Nagpapasalamat pa rin ako sa kanila dahil lalong lumalakas ang loob ko na patunayan na may ibubuga pa ako.

6. Saang weight division po kayo lalaban ?
Torrecampo : Sa 127 pounds. Sa featherweight division.

7. Ano po ang pinaka-gusto po ninyong makuha sa pagbabalik ninyo sa boksing ?
Isa lang ang hangad ko - ang makilala sa buong bansa bilang isang magaling na boksingero. At kung papalarin, makilala na rin sa buong mundo. Angkan kami ng mga boksingero. Ang karangalan lang na hatid ng boksing ang talagang habol ko.

1 comment:

  1. Wow 127.That's very light for a 38-year old man. Are you sure it's not in Kilos? (kidding)

    Hey, EFD I wasn't able to get a copy of Bandera on the 19th. Nawalan kasi ako ng internet for a week. Anyway, nice article on "Mami Pakyaw". Good thing you posted this here on TCB.

    ReplyDelete