Thursday, June 22, 2017

ANG BAGONG IVAN VILLANUEVA NG AMA ONLINE EDUCATION TEAM

courtesy of slamonlineph.com

Sa pagbaba ng kanyang timbang, biglang tumaas ang kalidad ng laro ni AMA Online Education power-forward Ivan Villanueva. Matapos magbawas ng 30 pounds sa isang buwang pagdyidyieta,  nakapagtala ng 29 points at 15 rebounds ang dating player ng Adamson kontra Zark's Burger. Kontra Batangas, nagtala ang mas magaan na Villanueva ng 14 points at 3 rebounds para pangunahan ang kanyang koponan.

Abangan ang panayam ni Bandera Correspondent Eric Dimzon para malaman ang secret diet ni Ivan Villanueva na sadyang nagpabago ng kanyang laro.


No comments:

Post a Comment