Thursday, March 3, 2016

TULOY ANG VOLLEYSERYE

courtesy of emsd63.org

Humantong na sa isang paglilitis ang gulo sa pagitan ng PVF at POC / LVPI. Magbibiigay na ng kani-kanilang testimonya sa korte ang ilan sa mga pangunahing tauhan ng volleyserye. Isasalang sa witness stand at isasailalim sa cross-examination ang iba. Sadyang kaabang-abang ang susunod na mangyayari sa di matapus-tapos na volleyserye.

Subalit ang tunay na kapanapanabik para sa akin ay ang pagtutok ng international community sa Philippine volleyball. Mas kaabang-abang para sa akin ang magiging tugon at reaksyon ng international community sa kaganapan ng volleyserye. Sa sunud-sunod na paglutang ng mga katiwalian sa mundo ng palakasan, umaasa ako na masisilip at magkakaroon ng puwang sa mga mata ng mga banyaga ang nangyayari sa Philippine volleyball.

Ituturing kong isang malaking tagumpay para sa mga atleta at mga nagmamahal sa Philippine volleyball ang mapansin man lang ng international community ang volleyserye.. Makamit man ang katarungan o hindi, ang mas mahalaga para sa akin ay ang mapansin ang katiwalian sa Philippine volleyball at makita ito ng buong mundo. Ang mahalaga, pumutok ang volleyserye sa kamalayan ng tao sa bawat sulok ng mundo.

No comments:

Post a Comment