Monday, August 17, 2015

SORRY NA LANG DIN POC AT LVPI

courtesy of manilastandartoday.com
courtesy of philstar.com


Ayon sa isang mapapagkatiwalaan source, hindi naisumite ng POC/LVPI ang hinihingi ng hukom na POC GA Minutes mula 2012 hanggang 2014. Matapos humingi ng ilang ulit na pagpapaliban, hindi pa rin nakuhang isumite ng POC/LVPI ang mga nasabing dokumento.

Ang POC GA Minutes kasi ang magdidiin sa POC/LVPI sa kaso. Ang POC GA Minutes ang magpapatunay na di totoo ang sinasabi ng POC/LVPI na nag-disband ang PVF. Ang POC GA Minutes ang magpapatunay na patuloy na dumadalo ang PVF sa mga general assemblies ng POC mula 2012 hanggang 2014.  Ang POC GA Minutes ay matinding pruweba na kinikilala mismo ng POC ang PVF bilang nag-iisang NSA sa volleyball mula 2012-2014 dahil ang mga kinikilalang NSA lamang ang iniimbitahan at maaring dumalo sa isang POC General Assembly.

Sa halip na POC GA Minutes ang isumite, ayon sa naturang source, isang liham ang binigay ng panig ng POC/LVPI sa korte. At ang nakasulat sa liham ay "sorry but we cannot submit to the court the POC GA Minutes as the said documents are not in our files". Hindi na raw makita ang mga kopya ng hinihinging dokumento sa opisina ng POC.

Sa ginawa nila, sorry na lang din ang maaring ipaabot sa pamunuan ng POC at LVPI. Sorry at alam na ng hukom ang nararapat na hatol sa kanila. Sorry na lang din at alam na rin ng taumbayan ngayon ang tamang kalalagyan ng POC at LVPI.

No comments:

Post a Comment