Friday, April 24, 2015

ISANG BUKAS NA PAANYAYA SA LAHAT NANG NANINDIGAN

Naghain na ng kaso ang PVF laban sa LVPI. Ngayon, wala nang dapat gawin kundi hintayin ang magiging hatol ng korte.

Matapos ang limang buwan na mainit na pakikipag-balitaktakan, marapat lang na magdiwang tayong lahat na nanindigan para sa tama at katotohanan. Kaya, isang payak na salu-salo ang pinaplano ng inyong abang lingkod para sa wakas ay magkakila-kilala na tayo.

Panahon na para bigyan ng mukha ang mga twitter accounts  na walang sawang tumuligsa sa mali. At higit sa lahat, panahon na para sama-sama nating pagtawanan ang mga hunghang na pasaring ng mga luka-lukang twitter users hehehe.

Kaya, wag nang umarte at papilit pa. Ang pagtitipon na ito ay isang pagpupugay sa inyo na nagpapaalala sa akin na marami pa ring Pilipino ang nakakaintindi at handang manindigan.

Mabuhay kayong lahat !

Sumasainyo,

efd234

PS. May isang malaking sorpresa ang naghihintay sa mga dadalo.

No comments:

Post a Comment