Sunday, November 9, 2014

HUWAG PADALA SA DRAMA NI COACH CHOT REYES

courtesy of sports.inquirer.net


Ipinagbigay-alam na ni Coach Chot Reyes sa SBP at kay MVP na huwag na siyang ikonsidera bilang susunod na Gilas coach. Sa kanyang ginawa, tila naging mapagparaya at kapuri-puri si Coach Chot Reyes.

Subalit para sa mapanuri, mapapansin na pinangunahan lang ni Coach Chot ang magiging desisyon ng SBP. Mas nakakahiya kasi na malaman ng sambayan na hindi siya ikinunsidera bilang Gilas coach ng Search Committee. Kaya mas mainam na yung unahan na niya ang SBP at sabihing wag na siyang isama sa shortlist.

Kung tutuusin, hindi na rin naman kailangan na mag-withdraw ni Coach Chot. Ang pagbuo ng Search Committee ng SBP ay matinding pahiwatig na para kay Coach Chot Reyes na ayaw na sa kanya. Na ang pagbuo ng Search Committe ay para makapagsagawa ng pagbabago sa Gilas Pilipinas. Na ito ay tanda na papalitan na siya.

Maaari rin na pinagsabihan na ng SBP si Coach Chot Reyes na sabihin na nagwi-wthdraw na siya sa nominasyon sa shortlist. Ito ay para makaiwas na rin sa matinding kahihiyan si Coach Chot Reyes. Sa ginawang withdrawal ni Coach Chot, siya pa ngayon ang mukhang bayani.

Ano pa man ang dahilan, ang mahalaga, wala na si Coach Chot sa Gilas Pilipinas. Sana naman, ang papalit kay Coach Chot ay magaling, marespeto sa players, emotionally stable at di hangad ang iangat lamang ang sarili.

No comments:

Post a Comment