Wednesday, October 22, 2014

SALAMAT SAN BEDA

courtesy of soccercentralph.com


Nanaig ang San Beda Red Lions kontra Arellano University, 89-70, upang makuha ang limang sunud-sunod na kampeonato sa NCAA Season 90.

Sa dalawang taon kong pagsubaybay sa San Beda, nasaksihan ko ang galing at magandang samahan ng koponan. Saksi ako sa dedikasyon ni Coach Boyet Fernandez at kanyang coaching staff na paghandaan ang bawat laro. Nakita ko ang kagustuhan at pagtiya-tiyaga ng mga players ng koponan na lalong gumanda ang kanilang laro. Nandun rin ang walang sawang suporta ng San Beda officials, students, alumni at buong komunidad.

Kaya naman, nagbunga ang lahat ng paghihirap ng San Beda. Nakamit nito ang pinakamimithi nitong five-peat. Salamat San Beda sa pakikibahagi ng saya at tagumpay na hatid ninyo.

No comments:

Post a Comment