Saturday, March 12, 2016

UP WOMEN'S VOLLEYBALL TEAM : TUNAY NA ISKOLAR NG BAYAN

courtesy of UP Women's Volleyball Varsity Team
Apat na sunud-sunod na panalo na ang naitatala ng UP sa Season 78 ng UAAP women's volleyball. Sa kartadang 6-3, nasa ikatlong puwesto ang UP Lady Maroons sa likod ng Ateneo at La Salle.

Bagamat di katangkaran ang mga players ni Coach Jerry Yee, tulung-tulong naman sina Molde, Tiamzon, Bersola, Lai, Buitre, Dorog at Carlos upang punuan ang kanilang kakulangan sa height. Solido rin sa floor defense ang UP kaya hirap pumuntos ang mga kalaban.

Sa laban kontra Adamson, nakita kong magalit muli si Coach Jerry. Subalit imbes na manlumo, magalang at buong tapat na sinagot ng mga players ang mga tanong na ibinabato sa kanila sa gitna ng laban. Pagkatapos, buong husay nilang pinakita sa court ang kanilang mga sagot sa mga kamaliang pinupukol sa kanila ng kanilang coach.

Itong bagong angking karakter ang magiging susi sa patuloy na pamamayagpag ng UP Lady Maroons. Ang kakayahang magpakita ng katinuan, lakas at katatagan sa gitna ng delubyo ang sasandalan ng UP upang mamayani at maabot ang inaasam na kampeonato.

Ang tunay na Iskolar ng Bayan ay matalino, matapang at madiskarte. Tulad ng UP Women's Volleyball Team.


No comments:

Post a Comment