Monday, March 28, 2016

PARA SA BAYAN : PHILIPPINE VOLLEYBALL STYLE

courtesy of ph.undp.org

Malimit na sinasabi ng mga atletang kumakatawan sa Pilipinas na ang kanilang partisipasyon at paglalaro ay para sa bayan. Subalit totoo nga ba na para sa bayan ang kanilang paglalaro ?

Sa nagdaang taon, saksi tayo sa ilang araw lang na paghahanda para sa ilang torneo ng ating mga koponan sa volleyball. May isang pagkakataon pa nga na sa airport lang nabuo ang ating koponan, ilang minuto bago ito tumulak sa torneo.

Kung totoong para sa bayan ang ginagawa ng mga volleyball players natin ngayon, dapat sana ay alam nila ang kahalagahan ng mahaba-habang paghahanda at pageensayo para sa isang international tournament. Kung totoong para sa bayan, mahihiya silang sumabak sa isang torneo nang isang linggo o ilang araw lang ang ensayo. At kung para talaga sa bayan, mahihiya silang malampaso sa ano mang torneo.

Sa nakaraang Thai-Denmark Super League na nilahukan ng PSL-Petron All-Stars, nilampaso ng iba't-ibang koponan ang kinatawan ng Pilipinas. Pangalawa sa huli ang naging final standing ng Pilipinas sa nasabing torneo. Di lamang binitbit ng koponan ang pangalan ng PSL at Petron, subalit maging ang pangalan ng Pilipinas ay dinala nito sa pangalawa sa huli.

Ito ba ang para sa bayan ?

No comments:

Post a Comment